Kris Bernal iniyakan ang pagiging mentally challenged girl

SEEN: Mali-mali ang mga sinasabi ni Jinri Park sa presscon kahapon ng Little Nanay ng GMA 7. Korean siya, ang paulit-ulit na depensa si Jinri sa kanyang mga kapalpakan.

SCENE: Napaiyak si Kris Bernal sa presscon ng Little Nanay dahil hindi siya makapaniwala na ibinigay sa kanya ang challenging role ng isang mentally challenged girl na nagkaroon ng anak.

SEEN: Absent si Renz Fernandez sa presscon ng Little Nanay dahil nasa Hong Kong siya. Matagal nang nakaplano ang Hong Kong trip ni Renz.

SCENE: Looking forward si Lovi Poe sa Paris vacation niya. Hinihintay lang ni Lovi na matapos ang taping ng The Beautiful Strangers ng GMA 7.

SEEN: Mataas ang rating ng MariMar noong Lunes dahil ina­bangan ng televiewers ang transformation ni Megan Young bilang Marimar to Bela Aldama.

SCENE: ‘Corny’ ang review ng USA Today sa Allegiance, ang Broadway musical na tinatampukan ni Lea Salonga.

SEEN: Kinunan kahapon ang big scene ng My Bebe Love kaya hindi nakadalo sa Star Awards for Music sina Alden Richards at AiAi delas Alas.

SCENE: Dream ng dance choreographer na si Geleen Eugenio na i-guest siya sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Palaging ikinukumpara si Geleen kay Jose Manalo, ang Lola Tinidora ng kalyeserye ng number one noontime show ng bansa.

Show comments