Kahapon ang 27th birthday ni Pauleen Luna at ito ang huling kaarawan niya bilang dalaga dahil official Mrs. Vic Sotto na siya sa January 2016.
Good health at successful married life ang mga birthday wish ko para kay Pauleen na excited na excited na sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Vic Sotto. Hindi naman siguro kalabisan kung isasali ko sa mga birthday wish ko para kay Pauleen na mabiyayaan agad ng sanggol ang pagsasama nila ni Bossing.
Halos magkasunod pala ang birthday ni Pauleen at ni Paulina, ang bunsong anak ni Bossing na binati nito sa Eat Bulaga noong Lunes.
Si Paulina ang anak ni Bossing na nagmana sa kanya dahil mahilig sa golf ang bagets at nag-graduate na Cum Laude sa Ateneo de Manila University noong April 2015.
Miss International Queen 2015 na si Trixie at dating kasama sa mga pageant magkaaway na!
How true na may isyu sa pagitan nina Francine Garcia at Trixie Maristela, ang newly-crowned Miss International Queen 2015?
Staff member ng CelebriTV ang nagkuwento sa akin na matagal daw bago napapayag ang dalawa na mag-guest nang sabay sa aming Saturday afternoon show.
May silent rivalry umano ang dalawa pero hindi sila nagsasalita. Mararamdaman lang na hindi sila warm sa isa’t isa kapag nagkakasama sa mga event.
Madalas na pinagtatapat ang dalawa na kapwa winners ng SuperSireyna ng Eat Bulaga at sila ang mahigpit na magkalaban sa Miss Gay Manila.
Naulit ang rivalry nina Francine at Trixie nang sabay sila nag-join sa Miss International Queen 2015 na ginanap sa Pattaya, Thailand noong Biyernes.
May mga nakapansin na biglang nag-disappearing act si Francine nang i-declare na winner si Trixie.
May mga nagkomento na hindi muna dapat sumali sa Miss International Queen ang isa kina Trixie at Francine dahil malabong mag-win o parehong magkaroon ng puwesto ang mga kandidata na nagmula sa iisang bansa.
Knowing Trixie, dedma na siya sa mga nang-iintriga sa kanila ni Francine dahil hawak na niya hanggang sa 2016 ang napanalunan na international crown mula sa beauty pageant para sa mga transsexual.
Sulit ang matagal na pagka-tengga, Kris sinuwerte sa Little Nanay
Biggest television break ni Kris Bernal ang Little Nanay ng GMA 7 dahil siya ang title role at katrabaho niya ang mga legendary actors na sina Nora Aunor at Eddie Garcia.
Matagal na hindi nabigyan ng solo project si Kris pero sulit ang paghihintay niya dahil bongga ang kanyang role sa Little Nanay. Higit sa lahat, magagaling na mga artista ang co-stars niya.
Si Ricky Davao ang direktor ng Little Nanay at starring din sa coming soon teleserye ng Kapuso Network si Gladys Reyes at ang child actress na si Chlaui Malayao, ang lead star noon ng television remake ng Yagit.
Jason Dy natupad na ang pangarap na magka-album
Hindi na ako pumunta kahapon sa presscon ng debut album ng The Voice winner na si Jason Dy dahil hectic ang schedule ko.
Si Sarah Geronimo ang mentor ni Jason sa singing contest na sinalihan nito. Hindi puwedeng i-deny na may kinalaman ang hatak ni Sarah kaya nag-win si Jason sa The Voice.
Bahagi ng premyo ni Jason ang recording contract sa MCA Music at ito ang nag-produce ng kanyang self-titled album na kahapon nga ang grand launch.
Nagpapasalamat si Jason sa MCA Music na nagbigay ng katuparan sa pangarap niya na magkaroon ng sariling album.
R&B songs ang forte ni Jason pero hindi siya threat sa kanyang favorite R&B singer na si Jay-R.
Star Awards for Music pinagbigyan ng GMA
Nakadalo naman ako kahapon sa presscon ng Little Nanay dahil 3 p.m. ang imbitasyon.
Kagabi ang Star Awards for Music ng PMPC at ito ang dahilan kaya maaga nag-presscon ang My Little Nanay.
Bihirang-bihirang mangyari na nagpapatawag ng afternoon presscon ang GMA 7 para sa kanilang mga primetime show, maliban na lang kung may mga important event na may conflict sa busy schedule ng entertainment press.