MANILA, Philippines – Ang anak nina Mr. Tony Boy Cojuangco at Gretchen Barretto ang magiging representative ng bansa sa Le Bal des Débutantes sa Paris. Ang nasabing event ay para lang sa mga sosyal na anak ng mga mayayaman sa iba’t ibang bansa. Pakonti-konti ang naging announcement ni Gretchen tungkol sa nasabing pagkakasali ng kanyang anak sa Le Bal des Débutantes na isa sa hinihintay na event sa high society circle.
Ayon mismo kay Dominique Cojuangco (sa kanyang Instagram account) matagal nilang isinekreto ito kung saan ipinakikilala ang kasali bilang debutantes na anak ng mga mayayaman at kilalang pamilya sa alta sociodad ng mundo.
Sa London nag-aaral si Dominique ng fashion design kaya naman halos doon na rin nakatira si Gretchen.
Kasama umanong dadalo ni Dominque sa bonggang party ang kanyang mga magulang.
“My parents will be with me at the event. I’ll be waltzing with my dad, which will be new for us, as I did not have a cotillion for my 18th birthday. I also think it will be absolutely adorable because Le Bal falls on my dad’s birthday weekend!” ayon sa interview ng Philippine Tattler kay Dominique.
Ayon pa sa nasabing dati ay nakikita lang si Dominique ang photos nito sa mga glossy magazines kaya overwhelmed siya na kasama siya sa kauna-unahang limang Filipinas na kasali sa nasabing ball.
Nauna nang nakasali dito si Paloma Urquijo Zobel, Natalia Zobel, Monica Urquijo Zobel at Emily Madrigal, ayon pa sa report ng Tattler.
Sheryl Cruz nasermunan ni Ali Sotto sa ere, ‘wag na raw idamay ang publiko sa sama ng loob sa pamilya
Bongga, imbes na gatungan, nasermunan pa ng aktres/brodkaster na si Ali Sotto si Sheryl Cruz na ayusin na lang nang matahimik ang mga umano’y hinanakit nito sa mga kaanak na si Madam Susan Roces at Sen. Grace Poe.
Paano ba naman kasi, nagpa-interview na naman si Sheryl kahapon kina Ali at Arnold Clavio sa programa nila sa DZBB kung saan inulit na naman niya ang mga umano’y panggigipit nila Tita Swanie at Grace sa kanya patungkol sa tunay na pagkatao ng senadora.
Hindi napigilan ni Ali na magkomento na bakit hindi na lang ayusin ni Sheryl ng pasikreto ang mga hinanakit nito sa tiyahin at pinsan sa halip na ibuyangyang ito sa media.
“Seriously, between and among you and Senator Grace, and Tita Susan. Dahil mahal ko rin naman ‘yang mga tao na ‘yan. Maraming nagmamahal sa kanila, at I’m sure alam ko mahal mo rin ‘yan,” sabi ni Ali kay Sheryl na sumikat noong huling bahagi ng 80s.
“So i-itsapwera mo na ‘yung sambayanang Pilipino, magkita na kayo at mag-usap na kayo ng puso sa puso,” dagdag pa ni Ali.
Hahaha. Kasi naman ang haba ng nasabing interview at isinama pa niya si Manang Doray na kilalang alalay ni Tita Swanie sa showbiz.
Nagsimulang umeksena si Sheryl sa media pagkatapos siyang maispatan kasama ang isang kongresistang supporter umano ng isang presidentiable sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Setyembre.
Makailang ulit na ring sinabi ni Grace na never niyang pinaghinalaang kapatid si Sheryl at hindi niya ito hiningan ng DNA sample.
Actually matagal nang tsismis na anak si Grace ng nanay ni Sheryl na si Rosemarie Sonora at ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos kaya parang recycle na lang naman ang isyu.
Hahaha. Kaloka talaga ang pulitika.
Si Sheryl ay anak ni Rosemarie at ng namayapang actor na si Ricky Belmonte.
Magandang aliwan din ang pakikinig sa AM radio kesa sa mag-Internet pag nasa traffic. Safe pa ang pakikinig sa radio kesa sa magbasa ng mga balita sa Internet.
Carla Abellana iniasa sa hula ang kapalaran nila ni Tom
Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Regal Films movie na No Boyfriend Since Birth starring Tom Rodriguez and Carla Abellana.
Super good vibes at chill chill ang kuwento ng pelikula kaya nakakaaliw.
Ang ganda ni Carla sa pelikula na sakto sa kanyang character na isang wedding coordinator na iniasa sa hula ang naging kapalaran sa lalaki.
Relatable at ang ganda ng mga dialogue.
Maging si Tom ay nakakaaliw at mahaba ang role niya at hindi lang sumusulput-sulpot.
Magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang NBSB ngayong araw.