Matapos mamayagpag ang historical biopic na Heneral Luna ni John Arcilla mula sa direksiyon ni Jerrold Tarog, isusunod naman dito ang buhay ni Gregorio del Pilar na nakatakdang pagbidahan ni Paulo Avelino.
Marami-rami na ring mga historical biopic ang ginawa in the past pero hindi ito kasing tagumpay na nakuha ng Heneral Luna considering na hindi major star ang bida.
At least, naiiba na ngayon ang panlasa ng mga manonood. Basta maganda ang pagkakagawa ng pelikula, tiyak na ito’y tatangkilikin ng publiko.
Alonzo babad na babad kay Direk Wenn
Masayang-masaya ang mga big boss ng Frabelle Foods dahil lumakas nang husto ang sales ng Bossing Hotdogs nang maging endorser ng produkto ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach.
Samantala, showing na ngayong November 18 ang bagong movie na sinasalihan ni Alonzo, ang horror-comedy movie na Wang Fang na tinatampukan nina Andre Paras, Yassi Pressman, Benjie Paras, Pokwang at iba pa mula sa direksiyon ni Wenn Deramas na siya ring director ng MMFF (Metro Manila Film Festival) movie ni Alonzo na pinagbibidahan naman nina Vice Ganda, Coco Martin kasama sina James Reid at Nadine Lustre.
Si Direk Wenn din ang napisil ni Boss Vic del Rosario na magdirek na solo launching movie ni Alonzo, ang movie remake ng pelikula na unang pinagbidahan ng kanyang amang si Niño Muhlach, ang Butsoy.
“Please watch the movie Wang Fam. I play the role of an aswang there,” pakiusap ng five-year-old na si Alonzo.