PIK: Isa sa touching na tagpo sa Regine the The Theater concert ni Regine Velasquez nung nakaraang weekend ay nang tinawag niya ang kanyang anak na si Nate para kantahin ang request nitong Tomorrow ng musical play na Annie at batiin sa kanyang kaarawan. Kinantahan na rin si Nate ng Happy Birthday kasama ang audience.
Nung kamakalawa ay ipinost ni Regine sa kanyang Instagram account ang kanyang birthday message sa kanyang anak.
Aniya: ‘#HappyBirthdayBoo 4 years old. You have made Mommy and Daddy so happy, may God continue to bless you. I love you so much my sweetheart.”
Sinundan iyun ng prayer para sa kanyang anak. Sinundan iyun ng mga posts ng mga pagbati ng mula sa kanyang pamilya.
Sa November 20 at 21 ay mapapanood pa ang Regine at The Theater sa Solaire Theater.
PAK: Kahapon ng hapon ay pormal nang isinampa ni Liz Uy ang anim na Libel case laban sa blogger na si Michael Sy Lim ng Fashion Pulis.
Si Lim ang unang naglabas ng isyung recycled daw ang gown na isinuot ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa Sa Tamang Panahon grand fans day na ginanap sa Philippine Arena nung nakaraang October 24.
Bukod pa riyan, inilabas din niya ang cover pictorial ni Maine sa Mega Magazine kung saan ang jacket na suot ay unang isinuot din daw ni Liz sa isang pictorial.
Sinumpaan ni Liz ang affidavit na isinumite sa City Prosecutor’s Office ng Makati, kasama ang legal counsel niyang si Atty. Lorna Kapunan.
Sabi ng pamosong stylist, gusto lang daw niyang ipaglaban ang karapatan niya. Naintindihan naman daw niya ang trabaho ni Lim bilang blogger, pero sana inalam man lang daw muna niya ang facts bago niya inilabas ang isyung iyun sa isinuot ni Maine.
BOOM: Kamakailan lang kinumpirma ng mga apo ni Amalia Fuentes na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa na nagkaroon ito ng Ischemic stroke sa Korea nung nakaraang October 9.
Nung October 27 lang siya in-allow ng doktor sa Korea na puwede nang dalhin dito sa bansa.
Matagal din muna silang nanahimik, kaya walang kumpirmasyon kung ano talaga ang nangyari sa beteranang aktres.
Ayon sa mga apo ni Amalia, mga dalawang linggo pa raw sa hospital ang kanilang lola, at puwede na raw itong magpagaling sa kanyang tahanan.
Pero wala silang sinasabi kung totoong na-paralyze ito o kung hindi pa ito nakakagalaw o nagsasalita sa ngayon.