^

PSN Showbiz

Heart excited nang magbuntis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakahanda na raw ngayon na magkaroon ng anak sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero. Matatandaang nagpakasal ang mag-asawa noong February 15 ngayong taon sa Balesin Island. “I do feel it now. I never used to feel that na parang when you look at a baby, when you look at his fingers, there is something in your heart. I’m starting to feel it now so I feel that I’m probably, I’m there already and that excites me because I never felt this way before,” nakangiting pahayag ni Heart.

Napagkasunduan na raw ng mag-asawa na bumuo na ng pamilya sa susunod na taon. “Maybe in a year or something, a year and nine months,” dagdag ng aktres.

Sa tingin daw ni Heart ay magiging mapagmahal at responsableng ina siya sa magiging anak nila ng senador. “Well as a mom of my dogs I’m really like every single strand of hair maalaga ako. So they say, ‘Sa mga aso mo ganyan ka, ano pa kaya sa anak mo.’” pagbabahagi ni Heart.

Iiwan din muna pansamantala ng aktres ang pag-aartista kapag nagkaroon na ng supling. “Maybe the first year yes. I want to experience living a normal life. Really normal na walang taping, walang anything and just devoting myself to the child and I feel like she deserves that. Kung nagsusulat nga ako ng libro para sa fans ko, ano pa kaya sa anak ko. So I think she deserves that time,” paliwanag ni Heart.

Isinulat ng aktres ang librong This Is Me, Love Marie na mabibili na ngayon sa bookstore. “I’ve been in the industry, turning 17 years now, and I think I have gone through so much and I felt it was just right for me to come up with the book. To share not just the beauty tips but also life experiences, quotes and I’ve always been known to be the kikay, the very maarte ganyan. Maarte pero mabuting tao naman,” paliwanag ng aktres.

Jessy hindi alam kung paano makiki-level kina Angelica at John

Nagsimula na kagabi sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng You’re My Home kung saan kabilang si Jessy Mendiola. Bukod sa bagong soap o­pera ay makakasama na rin ang aktres sa Banana Sundae na dating Banana Split Extra Scoop simula ngayong Linggo.

Aminado si Jessy na kabado siya sa paggawa ng comedy. “Nakakakaba, lagi akong kinakabahan. Sabi nila mas mahirap ang drama sa comedy. Hindi, mas mahirap ang comedy sa drama kasi kailangan mo silang patawanin,” giit ni Jessy.

Hindi pa raw alam ng dalaga kung paano siya makikipagsabayan sa galing magpatawa ng original cast ng show katulad nina Angelica Panganiban, John Prats at marami pang iba. “Ewan ko kung paano ako makiki-level sa kakayahan nila. Kasi siyempre ang gagaling nilang magpatawa. No’ng anniversary (nag-guest si Jessy) nga grabe kinakabahan ako, ‘yung mga skits oh my gosh! Ganito pala rito,” kwento ng aktres.

ACIRC

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BALESIN ISLAND

BANANA SPLIT EXTRA SCOOP

BANANA SUNDAE

HEART EVANGELISTA

JESSY

JESSY MENDIOLA

JOHN PRATS

LOVE MARIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with