Early bird ako sa presscon kahapon ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna para sa kanilang bagong business, ang Ka Tunying’s Cafe sa Visayas Avenue, Quezon City.
Totoo ang tsismis, sobrang sarap ng mga tinapay sa Ka Tunying’s. Mga tinapay na gawa sa malunggay, turmeric etc. na pampalusog ng katawan.
Si Roselle ang personal na namamahala sa negosyo nila ni Papa Tunying. Minsan nang sinubukan ni Roselle na mag-artista dahil nag-join siya noon sa Starstruck pero hindi nag-win. ‘Yun pala, may ibang plano si Lord para sa kanya.
Kris nasuklian ang ‘tulong’ sa business ng mga Taberna
Hindi pa sikat na broadcast journalist si Papa Tunying nang makilala niya si Rossel.
Ang kanyang misis ang “lucky charm” ni Papa Tunying dahil bumongga ang career niya mula nang magpakasal sila ni Rossel.
Maraming pinagkakaabalahan si Rossel, bukod sa coffee shop nila ng kanyang dyowa. May mga block screening project din si Rossel dahil siya ang punong-abala sa mga block screening ng Etiquette for Mistresses at Felix Manalo.
Nagdaos si Rossel ng block screening para sa Etiquette for Mistresses bilang pasasalamat niya kay Kris Aquino dahil supportive ito sa negosyo nila ng kanyang mister. Tatlong beses na na-feature sa KrisTV ang Ka Tunying’s Cafe.
Mga loyal member ng Iglesia Ni Cristo ang Taberna couple kaya sinuportahan nila ang Felix Manalo ng Viva Films sa pamamagitan ng block screening.
Pinakanta sa presscon ang anak na babae nina Rossel at Papa Tunying.
Walang stage fright ang bagets na sanay na sanay na mag-perform sa harap ng maraming tao.
Hindi ako magtataka kung balang-araw, mag-artista ang panganay nina Papa Tunying at Rossel dahil nasa dugo niya ang pag-aartista.
Business ni Ka Tunying lumakas matapos pagbabarilin ang cafe
Hindi lamang ang iba’t-ibang klase ng tinapay ang mabibili sa bakery at coffee shop ni Ka Tunying. Available rin ang breakfast at healthy Pinoy drinks.
Ang sey ni Papa Tunying, malaki ang suweldo niya sa ABS-CBN pero kailangan nila na mag-invest sa mga negosyo dahil marami rin ang gastos.
Nagpakatotoo si Papa Tunying sa sinabi nito na may kasosyo sila sa Ka Tunying’s Cafe na nakaranas ng pamamaril noong kabubukas pa lamang.
Unsolved pa rin ang krimen at naiintindihan ito ni Papa Tunying dahil madaling-araw nang mangyari ang insidente at malabo ang kuha ng CCTV.
Mula nang maganap ang pamamaril, lalong dumami ang mga kostumer ng Ka Tunying. Kabaligtaran ang nangyari dahil hindi natakot ang mga tao na dayuhin ang bagong negosyo nina Papa Tunying at Rossel sa Visayas Avenue.