Sabi-sabi lang yata ‘yung pagkakalabuan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit marami ang pabor sa hindi pagkakatuluyan ng dalawa.
Pareho naman silang malungkot kapag napag-uusapan ang relasyon nila. At bakit hindi hayagang itinanggi ni Sarah ang tsismis tungkol sa nobyo niya at kay Shaina Magdayao? Ibig sabihin ba nito ay may mga katotohanan ito?
Pero ani Sarah ay okay naman sila at hindi naghihiwalay. Sana nga naapektuhan lamang sila ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Kahit hindi mamahalin ang mga gamit, mga anak nina Marian at Juday siguradong parehong lalaking maganda
Kung sa kasal ay sina Marian Rivera at Heart Evangelista ang pinagsabong, sa pagkakaro’n naman ng bagong anak ay kay Judy Ann Santos ikinukumpara ang misis ni Dingdong Dantes. Kung ang magiging anak ni Marian ay sa isang Hermes crib pahihigain, ang anak ni Juday ay sa Pottery Barn manggagaling ang mga gamit. Swerte nila at can afford sila.
Naniniwala naman ako na kahit pinakamurang gamit ang gamitin ng dalawang bata, lalaki silang maganda dahil parehong nakatutok ang mga magulang nila at handang ibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan.