Willie hindi alam kung saan nadale ng dengue

Replay noong Linggo ang Wowowin, ang Sunday afternoon game show ni Willie Revillame sa GMA 7 dahil na-confine siya sa ospital.

Ten days si Willie sa isang ospital somewhere in Taguig City dahil nadale siya ng dengue.

Magaling na si Willie at nagpapahinga na lamang siya sa kanyang sosyal na rest house sa Tagaytay City.

Wala talagang pinipili na edad ang dengue, celebrity man o hindi. Hindi malinaw sa akin kung saan nakagat ng lamok si Willie, sa bahay ba niya sa Quezon City o sa kanyang rest house sa Tagaytay?

It’s about time yata na subukan na ni Willie na gumamit ng Strike, ang sari-saring produkto ng ATC Healthcare na ini-endorso ni Amy Perez na pangontra sa dengue. O ayan, maipasok lang!

Gloria Romero nakipag-sabayan sa pagda-dubsmash!

Ang galing-galing ni Gloria Romero, ang Tiya Bebeng sa Thursday episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Winner ang dubsmash ni Mama Gloria kaya tawang-tawa at tuwang-tuwa sa kanya si Vic Sotto at ang ibang mga host ng Eat Bulaga.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na sa edad na 82, kayang-kaya ng movie queen noong dekada ’50 na makipagsabayan sa dubsmash ng mga star ng bonggang kalyeserye ng Eat Bulaga? Halatang-halata na sinusubaybayan din ng respetadong aktres ang Eat Bulaga dahil knows niya ang mga kaganapan sa lovelife nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Alden.

In fairness, maraming mga senior citizen ang na-inspire sa ginawa ni Mama Gloria dahil sinusubukan na rin nila na mag-dubsmash, isang bagay na hindi ko yata ma-imagine na magagawa ko, maliban na lang kung bongga ang talent fee na offer. May mag-aalok ba?

Deds na gadgets kayang-kayang buhayin sa Greenhills

Nasira ang iPad ng bagets na kasama namin sa bahay kaya nagpunta sa branch ng Apple sa SM North EDSA ang kanyang madir para ipagawa ang unit.

Ang sey ng empleyado ng Apple, hopeless case na ang iPad na nag-overheat daw at hindi na puwedeng makumpuni kaya bumili ng bago ang kanyang rekomendasyon.

Nang sabihin sa akin ang resulta, hindi ako naniniwala. Parang may bumulong sa akin na dalhin ang defective unit sa mga computer at tablet repair shop sa Greenhills.

May despedida party sa isang restaurant sa Greenhills noong Huwebes para kay Baby K. Jimenez, ang former movie reporter na very close kay Charo Santos at mag-asawang Fernando Poe, Jr. at Susan Roces.

Invited ako sa despedida party at habang nangyayari ito, pinapunta ko sa isang computer repair shop sa Greenhills ang driver ko na si Junior para ipa-check up ang napagod at bumigay na iPad.

Dyuskoday, sa murang halaga, naayos at good as new ang iPad na parang nagdahilan lang! Ano kaya ang masasabi ng empleyado ng Apple na nagbigay ng death sentence sa iPad ng alaga namin sa bahay?

May-I-share ko ang kuwento para sa ibang mga kagaya ko na hindi nawalan ng hope. Kung idineklara ng Apple na DOA ang inyong mga defective iPad unit, dalhin ninyo sa mga reliable computer shop sa Greenhills at baka-sakaling ma-revive.

Sen. Grace hindi kinalimutan ang kaibigan ng mga magulang

Dahil love ni Senator Grace Poe si Baby K., humabol siya sa despedida party para sa kanilang family friend na matagal na nagbakasyon sa Pilipinas

Touched na touched si BKJ dahil hindi nito inaasahan na makakarating si Mama Grace na sobrang hectic ang schedule. Bumalik kahapon sa Canada si BKJ na baon ang happy at unforgettable memories niya sa bansa na well-known ngayon dahil sa mga tanim-bala incident sa Ninoy Aquino International Airport.

Show comments