Vice Ganda bakasyon o pinagbakasyon?

Vice Ganda

MANILA, Philippines – Uy in fairness, hinahanap din naman ng ilang viewers ng It’s Showtime si Vice Ganda na lately ay durog na durog na sa netizens. Since Monday daw kasi ay wala sa noontime show ng ABS-CBN si Vice. Wala naman daw binibigay na paliwanag ang programa kung bakit wala ang komedyante/TV host.

Ang sabi naman naman ng isang insider ng programa, nakabasyon daw ito. Pero may duda ang ilan na baka talagang pinagbakasyon naman ito at pinalalamig muna ang birada ng netizens dahil sa pagsagut-sagot nila pa sa kasikatan ng AlDub.

So abangan natin.  O baka naman lumutang siyang bigla.

Shaina takot na uling mapaso sa lalaki

Takot na uling mapaso sa lalaki si Shaina Magdayao. Kaya naman pigil na pigil siya sa nararamdaman kay Matteo Guidicelli.

Muntik na muntik na siya actually na mahulog sa bitag ni Matteo pero naisip niya ang mga sakit na pinagdaanan niya sa mga nauna niyang karelasyon.

Parang totoo noh. Pero sa kuwento lang ‘yan ng seryeng Single/Single na mapapanood ngayong gabi sa Cinema One, 8:00 p.m.

Pero ‘di ba parang ganito ang karanasan ni Shaina sa totoong buhay. At alam naman ‘yan ng buong bayan dahil isang malaking balita noon ang nangyari sa kanila ni John Lloyd Cruz. Umamin noon si Shaina na sobrang sakit ang naramdaman niya.

Hanggang ngayon, pagkatapos ng relasyon nila ni John Lloyd ay ‘di pa siya nagkaka-boyfriend uli.

Sinasabi naman niya sa mga interview niya na wala na ‘yun. Naka-move on na siya nang wagas na wagas at naghihintay lang siya ng tamang lalaki na ang pakiramdam niya ay ibibigay ng Diyos sa kanya.

Kaya naman natural na natural ang acting ni Shaina sa Single/Single dahil obvious naman na nakaka-relate siya.

Dahil sa magandang feedback ng viewers sa Single/Single, balitang magkakaroon ito ng Season 2.

Dinidirek ni Pepe Diokno ang Single/Single.

Sey ng art director, beauty ni Heart ‘walang tapon’

Literal na “walang tapon” kay Heart Evangelista ayon kay art director Paula Pangan nang namimili siya ng picture ng aktres na gagamitin sa beauty book na This is Me, Love Marie ng Summit Books.

  “No wasted outtakes for this beauty! We had a hard time choosing the best photos for @iamhearte, lahat maganda! #ThisIsMeLoveMarie Coming Soon!,” sabi ni Paula sa Instagram patungkol sa misis ni Sen. Chiz Escudero.

 Ang This is Me, Love Marie  na siyang kauna-unahang beauty guide ng isang Filipina actress mula sa Summit Books ay ilalabas na sa November 8, ayon kay Pangan.

Ani Heart, ang libro ay maihahalintulad niya sa diary niya sa nagdaang 30 years.

  “Making the book was like writing in my diary and giving everyone a copy. Thirty years of everything I’ve learned,” pahayag ni Heart.

Show comments