Pagkapanalo ng dating serye ni Alden sa CMMA, may koneksiyon sa AlDub
Seen: Nanalo sa Best Drama Series category ng 37th Catholic Mass Media Awards ang Ilustrado, ang teleserye tungkol sa buhay ni Jose Rizal na ginampanan ni Alden Richards.
May paniwala na may kinalaman ang phenomenal success ng AlDub sa award na ipinagkaloob ng CMMA.
Scene: Si Alden Richards ang pinakamahigpit na kalaban ni Jericho Rosales sa Best Drama Actor ng Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club
Seen: Best Comedy Program awardee ng CMMA ang Pepito Manaloto at Best Special Event Coverage ang People’s Pope sa Pilipinas ng GMA 7.
Scene: “Promoting good Christian values and strong faith in the Lord, and for successfully depicting that good will always triumph over evil” ang dahilan kaya tumanggap ng special citation mula sa CMMA ang Nathaniel ng ABS-CBN.
Seen: Bukod sa special citation, ang Nathaniel ang hinirang na Best Children and Youth Program ng CMMA.
Scene: Pasok sa Top 5 ng The X Factor Australia ang Filipino-Australian contestant na si Cyrus Villanueva.
Seen: Pinipilahan ng mga Pilipino sa New York at New Jersey ang mga screening ng Heneral Luna dahil sa good reviews sa pelikula ni John Arcilla.
Magbubukas ngayon ang Heneral Luna sa mga sinehan sa Alaska, California, Florida, Chicago, Washington at marami pang iba.