Magdadalawang taon na nang huling mapanood si Jessy Mendiola sa isang teleserye. Matatandaang nagbida ang aktres sa Maria Mercedes na nagtapos noong January, 2014.
Ngayon ay kabilang si Jessy sa You’re My Home na magsisimula na sa November 9 sa Kapamilya network.
Para sa aktres ay kailangan daw siyang may mapatunayan muli lalo pa’t matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood sa telebisyon. “Us actors, every time we do a project, we always feel na we have to prove more than our last. So ako, since I did Maria Mercedes as my last teleserye, I think I have to prove myself more in this teleserye na I could do dramatic roles din, not only pa-sexy roles,” paliwanag ni Jessy. “First time ko hindi magpa-sexy sa isang role so ‘yun ang pinaka-challenge sa akin. In a way, mas mapapansin na nila ‘yung acting, ‘yung pag-deliver ko sa role. I think that’s really nice for me, for my career. Kasi sasabihin ng iba na parati na lang physical. Ngayon, I could truly say na nailabas talaga ‘yung dapat maipakita sa soap,” dagdag ng aktres.
Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Jessy sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng soap opera. “Nandoon ang pagiging nervous but at the same time I’m very excited. Natutuwa ako kasi finally makikita ako ulit sa TV. It’s not kung anu-ano lang na teleserye. It’s a very nice teleserye and the people I’m working with are very good. Hindi lang ‘yung story ang dapat abangan but also the cast,” pagtatapos ng aktres.
Magbibida rin sa nasabing proyekto sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Paul Salas at Sam Concepcion.
Arci si Coco rin ang pinapangarap!
Masayang-masaya si Arci Muñoz dahil extended ang teleseryeng Pasion de Amor. “I’m very, very happy at least all our hard work is paying off. It’s really hard para mag-create ng show especially sa timeslot namin but I’m really grateful sa lahat ng Kapamilya namin everywhere, around the world na sumusuporta sa Pasion de Amor. I just hope na they keep on supporting because we are extended because of them,” nakangiting pahayag ni Arci. Kung matatapos na ang serye ay hindi pa raw alam ng dalaga kung ano ang susunod niyang proyekto. “I’m not really sure about it. I haven’t talked to the bosses because I’m just really, really happy and grateful sa na-achieve ng first show ko sa Kapamilya network. So sa ngayon siguro I wouldn’t ask for anything muna. Bahala na sila kung ano ‘yung ibibigay nila sa akin,” giit ng aktres.
Samantala, nangangarap daw si Arci na makasama si Coco Martin sa isang proyekto. “I really want to work with Coco Martin. I think he’s a really great actor and I think I will be learning a lot from him,” pagtatapat ni Arci.