MANILA, Philippines – Nanatiling pinakapinapanood ang ABS-CBN matapos itong magtala ng average national audience share na 42% sa pinagsamang urban at rural homes noong Oktubre base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.
Ang primetime (6 PM to 12 MN) ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers.
Nangunguna pa rin sa listahan ng pinakapinapanood na mga programa sa buong bansa ang FPJ’s Ang Probinsiyano sa average national TV rating na 39.4% na sinundan ng Pangako Sa’Yo (33.4%), at TV Patrol (32%).
Nasa ikalima at ikaanim na puwesto naman ang weekend programs na MMK Ang Tahanan Mo (28.8%) at Wansapanataym (27.1%).
Samantala, mainit pa ring tinatangkilik ng sambayanan ang Pasion De Amor sa average national TV rating na 26.4% na sinundan ng comedy programs na Home Sweetie Home (26.2%) sa ikawalong puwesto at Goin’ Bulilit (25.2%) at Rated K (25.2%) na tie sa ika-siyam na puwesto.
Ang pinakabagong talk-comedy-game show na Celebrity Playtime ang kumumpleto sa top ten sa average national TV rating na 24.3%.
Bukod naman sa TV, sinundan ng mga Pilipino ang mga Kapamilya program sa kanilang computers, laptops, o smartphones gamit ang video-on-demand at live streaming service ng iWanTV. Pinakapinanood dito ang On The Wings of Love na nagtala ng 4.4 million views, kasunod ang Pangako Sa ‘Yo na may 2.8 million views at FPJ’s Ang Probinsiyano na may 1.8 million views. Paborito ring panoorin sa iWanTV ang Pinoy Big Brother 737 (1.2 million views), All of Me (975,290 views), Pasion De Amor (764,673 views), at Doble Kara (697,033 views).