Heart may sariling beauty book na! Kasal nila ni Vic imposibleng maging pribado, social media account ni Pauleen updated sa mga ganap
SEEN: Inspired ng hermana mayor sa isang barrio fiesta ang Filipiniana gown ng nanay ni Bea Binene sa 18th birthday party ng kanyang anak sa Manila Hotel noong November 3. May pinagmanahan si Bea.
SCENE: Sa November 8, 1:00 p.m. to 6 p.m. ang launch sa National Bookstore Glorietta 1 ng This Is Me, Love Marie, ang beauty book ni Heart Evangelista na collaboration ng Summit Books at National Bookstore.
SEEN: Ngayong gabi, 7 p.m., ang The Sound of Christmas, ang early Christmas concert nina Piolo Pascual, Daryl Ong, at Manila Symphony Orchestra sa activity center ng TriNoma.
SCENE: Sa November 30 ang last shooting day ng My Bebe Love, ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina AiAi Delas Alas, Vic Sotto, Maine Mendoza, at Alden Richards.
SEEN: Masipag mag-post si Pauleen Luna sa social media ng mga litrato ng mga paghahanda niya para sa January 2016 wedding nila ni Vic Sotto kaya imposible na maging pribado ang kanilang kasal.
SCENE: Open na ang Sobremesa, ang South American at Filipino restaurant business ni Daniel Matsunaga sa Sapphire St., Ortigas Center, Pasig City.
SEEN: Ang not so recent special screening ng Etiquette for Mistresses para sa mga empleyado ng ABS-CBN. Ibinenta sa halagang P120 ang tickets.
SCENE: Mapapanood sa SNBO ng GMA-7 sa November 8 ang Dreams Never End, ang first major concert ni Glaiza de Castro sa Music Museum noong October 3.
- Latest