PIK: Lungkot-lungkutan ang drama ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon dahil sa na-hack pala ang Twitter account niya.
Nagparating pa ng mensahe si Lola Nidora na ang social media account ay parang tahanan mo na rin na hindi puwedeng panghimasukan. Hindi rin siya napasaya ni Alden Richards.
Pagkatapos ng Eat Bulaga, nag-post na si Maine na okay na raw ang Twitter niya at Instagram account.
Ang Facebook account daw niya ang na-deactivate dahil sa kagagawan ng hackers.
PAK: Dati ay kinakarir nina Congresswoman Lani Mercado ang maglagay ng decoration at mga pagimik tuwing Halloween, pero ngayon ay hindi na.
Magmula nang napiit sa Camp Crame si Sen. Bong Revilla, hindi na pala naglalagay ng decorations si Lani sa kanilang tahanan.
Kahit Christmas decors ay ayaw na raw niya hangga’t hindi pa nakakauwi si Sen. Bong.
Kahit halos araw-araw nilang nadadalaw si Sen. Bong sa Crame, nami-miss pa rin daw nila sa kanilang tahanan, lalo na raw ang boses nitong nanggugulat sa kanila.
Sa sobrang pagka-miss ni Lani sa kanyang asawa, pati sa ginawa nilang kalyeserye na drama sa munisipyo ng Bacoor nung nakaraang linggo ay bahagi pa rin si Sen. Bong.
Ginawa nilang si Alden ang standee ni Sen. Bong, at si Lani naman ang nag-Yaya Dub
BOOM: Ipinagkibit-balikat na lang ni Tito Sotto at Joey de Leon ang reklamo ng ilang grupo ng mga Muslim sa suot nila sa Halloween episode ng Eat Bulaga nung nakaraang Sabado.
Sinagot na ito ni Sen. Tito Sotto kahapon pero si Tito Joey ay dedma lang.
Wala raw silang balak na mag-apologize. Mas mabuting basahin na lang daw ang pahayag ni Robin Padilla kaugnay sa isyung iyon.
Lumabas sa isang blog na merong pahayag si Robin sa kanyang Facebook account tungkol sa nasabing isyu.
Bahagi ng pahayag nito; “Mag-ingat tayo mga kapatid sa pagpukol ng puna at bato baka bumalik sa mukha natin at mawalan tayo ng mga mukha. Ang Muslim ay hindi Arabo, ang Islam ay mula sa Allah at tanging pag-uugali lamang ng propeta Muhamad(saw) ang basehan ng ating pagka-Muslim, hindi kailanman kasuotan.”
Sabi pa ni Tito Joey, wala raw siyang iti-tweet tungkol sa ganung isyu. Tingin daw niya meron lang nagsulsol at na-misinterpret ang sinuot at ginawa nila sa Eat Bulaga.