MANILA, Philippines – Nominado si Rachelle Ann Go para sa Best Performance in a Long-Running West End show sa gaganaping 2015 Broadway World UK/West End Awards.
Kasalukuyang gumaganap bilang Fantine si Rachelle sa Les Miserable sa Queens Theatre sa London.
“Sana po sa lahat ng mga Pinoy, suportahan po ninyo ako. Sana po ay iboto po ninyo ako. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta,” pakiusap ni Rachelle Ann sa kanyang video blog.
Kasama rin si Rachelle Ann sa magtatanghal na Les Miserables Australia sa bansa next year.
“At next year, I’m coming home to do Les Miserables so I’ll see you soon guys,” pahayag pa ni Rachelle Ann.
Ito na ang chance ng mga adik sa social media. Magiging proud ang buong bansa pag nanalo si Rachelle Ann.
Puwedeng iboto si Rachelle para sa 2015 Broadway World UK Awards sa broadwayworld.com hanggang November 15.
As of yesterday, pumapangalawa si Rachelle Ann sa current standings at mahigpit niyang kalaban na nasa no. 1 ang kasama niya sa Les Miserables na si Carrie Hope Fletcher.
Pangako... nakikipagsabayan na sa millions ng AlDub
Sunud-sunud na millions na rin ang daily tweets ng pelikulang Everyday I Love You and Pangako Sa’yo. Hindi na sila nagpapahuli sa AlDub. Ang Pangako… last Monday night, naka-3 M ang tweets. Maging ang On The Wings of Love, laging naka-million din ang tweets.
Pero nagre-react ang ilang member ng AlDub Nation na may ginagamit daw application ang PSY kaya ganun na rin kalaki ang tweets ng PSY at pelikulang Everyday…
Ang importante kasi talaga ngayon ay mag-trend kahit pa may application o wala.
Pero siyempre hawak ng AlDUb ang world breaking record na 40M tweets.
Sa araw kasi talagang namamayagpag sa Twitter ang AlDub pero pagdating sa gabi pukpukan ang labanan ng PSY at OTWOL.
Kaya talagang ang fans literal na maghapon busy sa kaka-tweet na malamang ay ikinatataka ng buong mundo dahil sa sobrang addiction ng mga Pinoy sa social media habang kabi-kabila ang balita sa laglag-bala sa NAIA nanakakasira sa imahe ng bansa.
Pero ang isang sigurado rito, ang mga internet provider at telecommunication company ang tiba-tiba sa kasipagan ng Pinoy fans na mag-social media.
KC mas abala sa trabaho sa UN kesa sa career
Sa trabaho sa United Nations (UN) pala abala si KC Concepcion. Sa kanyang Instagram account ay ibinalita niya na nag-voice over siya para sa darating na climate change conference sa Paris ng UN. Ambassador for the United Nations World Food Programme si KC.
Nauna rito ay nakasama si KC sa mga pinarangalan bilang Outstanding Filipino Americans in New York.
Lately ay walang regular program si KC sa ABS-CBN.