MANILA, Philippines – No doubt, si Martin Nievera pa rin ang maituturing na Concert King hanggang ngayon.
Kahit more than 30 years na sa industry si Martin, wala pa rin namang kakupas-kupas ang singer/TV host.
Kaliwa’t kanan pa rin ang concerts ni Martin.
Sa ngayon, nasa Amerika ang singer/TV host para sa series of concerts niya roon na pawang matatagumpay. Ikinatuwa ng kanyang loyal followers sa Amerika ang nasabing series of concert niya.
Sa November 13 naman, ang loyal followers naman niya rito sa Pilipinas ang pasasayahin ni Martin sa intimate show niya sa Palacio de Maynila (Roxas Blvd., Malate, Manila), ang The Concert King Rocks The Palace na siya mismo ang pumili ng title.
“I’ll be back on November 12 just in time for the rehearsal,” pahayag ni Martin.
Sabi ng singer/TV host, hindi naman daw siya mahihirapan dahil in between his shows sa Amerika, pina-practice na niya ang mga kakantahin niya sa Palacio de Maynila.
Mas energized din ngayon si Martin dahil mas nakapag-relax siya sa Amerika.
Ayon pa kay Martin, excited siya sa kanyang Palacio de Maynila show dahil very intimate ito.
Sanay si Martin na nagsu-show sa malalaking venue katulad ng MOA Arena, Smart Araneta Coliseum at iba pa, pero iba rin naman daw ang dating kapag sa mas maliit na venue katulad ng Palacio de Maynila (900 capacity) dahil more personal nga ang dating at mas makakapag-bonding siya sa mga manonood.
Hindi lang si Martin ang mas makakapag-enjoy sa ganitong klaseng show kundi pati ang mga manonood dahil magagawa nilang malapitan si Martin at puwede rin silang makikanta sa singer/TV host.
Ayon nga sa general manager ng Palacio de Maynila na si Ms. Cristy Nazario, ginawa rin nilang very affordable ang ticket prices ng The Concert King Rocks The Palace.
“’Yung VIP Center namin, P4,000 lang at P3,000 naman ang VIP-reserved seats. Then may free seating din kami na P2,000 lang para hindi naman masyadong mabigat sa mga gustong mapanood si Martin sa isang very intimate show,” pahayag ni Cristy na nagawang very affordable ang tickets ng nasabing show dahil sa pakikipagtulungan ng ilang sponsors katulad ng Victoria de Morato, Landbank, Benedict’s Catering Services, Blackwater, Café France, Hizon’s Catering, Casandra Dy Couturier at iba pa.
Sa mga gustong manood ng The Concert King Rocks The Palace at ma-enjoy ang classic hits at new songs ni Martin, puwede kayong bumili ng tickets sa Palacio de Maynila, 5247606, 5273239 and SM Tickets 4702222.