PIK: Mamayang gabi na ang debut ni Bea Binene na gaganapin sa Maynila ballroom ng Manila Hotel.
Ang wish sana ni Bea, si Alden Richards ang first dance niya, pero hindi pa rin makumpirma ng handler niya kung kakayanin ng binata dahil nasa shooting ito ng My Bebe Love #kiligpamore.
Kung papayagan daw ng production na umalis sandali si Alden sa shooting, baka puwede siyang dumalo.
PAK: Nakakaloka raw ang kalibugan nitong young actor na may girlfriend na isang magandang model at nagsisimula pa lang sa showbiz.
Sobrang secret ang relasyon ng dalawa dahil may binubuong ka-loveteam si young actor ng mother studio niya, kaya hindi puwedeng mapabalitang may girlfriend siya sa labas.
Ito pa namang si girl ay maaaring ilunsad sa kalabang istasyon kaya sobrang lihim ang kanilang relasyon.
May pagkainosente pa si girl kaya sunud-sunuran lang siya kay young actor na laging nakakasama niya.
Minsan ay naka-schedule si girl sa casting ng isang commercial na dapat kasama siya.
Hindi nakasipot si girl sa casting dahil punum-puno raw ng hickey ang leeg nito na kagagawan pala ni young actor.
Pinagalitan siyempre si girl ng manager niya at hindi raw niya alam na galing kay young actor ang mga hickey sa leeg niya. Akala raw niya ay kagat lang ng lamok.
Nawala tuloy kay girl ang commercial na ‘yun dahil sa kalibugan na pinaggagawa ni young actor sa kanya.
BOOM: As of presstime, wala pang reaksyon si Tito Joey de Leon sa isyung nagagalit daw ang Muslim community dahil sa Arab costume na isinuot nila sa Halloween episode ng Eat Bulaga nung nakaraang Sabado.
May inilabas na artikulo ang PEP kung saan naglabas daw ng statement ang ARMM governor na si Mujiv Hataman na dapat ay maglabas ng public apology ang Eat Bulaga hosts sa isinuot nila ni Sen. Tito Sotto.
Base sa text message na ipinadala ni Tito Sen sa amin, wala silang balak na maglabas ng public apology.
Nilinaw ni Tito Sen na hindi Muslim costume ang suot nila. Arab daw iyun kung saan isinusuot niya taun-taon.
Bahagi ng text ni Tito Sen; “Natutuwa ang mga kaibigan kong Sheikh pag sinusuot ko ‘yun na regalo nila sa akin.
“Ang ibig nilang sabihin ‘yun mga nagku-costume ng mga pari o madre o naka-barong tagalog ay hindi puwede sa costume party? ‘yung ganung may relihiyon?”
Sabi pa ni Tito Sen, sana i-consider din daw ang pagtatanggol ng karamihang netizens sa kanila na naintindihan ang pagsuot nila ng ganung costume.