MANILA, Philippines – Kahit more than a decade na ang nakakaraan mula nang yumao ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. dinadagsa pa pala ang puntod nito hanggang noong nakaraang Undas sa Manila North Cemetery kung saan ay nagtirik ng kandila at nag-selfie ang fans. Yup, nakipag-selfie sa puntod.
Kaya naman bongga ang ratings ng teleserye na Ang Probinsyano na hango sa 1997 movie ni Da King dahil nariyan pa rin pala ang fans ng action king.
At isa sa mga bumisita sa puntod ni Da King noong Oct. 31 ay ang matalik nitong kaibigan na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.
Mag-isa raw si Erap nang dumalaw sa mausoleum ng mga Poe.
“Mas maganda ang nag-iisa; mas nakakapagdasal ng mabuti,” sabi ni Erap sa isang panayam.
Noong Oct. 30 dumalaw sa puntod ng ama si Sen. Grace Poe at ang anak na si Brian.
Fans may isang araw pang bumoto sa Push
May pagkakataon pang i-push ng mga tagahanga at netizens ang kanilang favorite stars sa kauna-unahang PUSH Awards ng ABS-CBN sa pagtatapos ng botohan nito ngayon (Nov. 3) para sa iba’t ibang kategorya nito.
Mag-log in lang sa www.PUSHAwards.com para bumoto at makita ang buong listahan ng mga nominado. Tanging isang boto kada kategorya lamang ang maaaring ipadala.
Ang mga nominadong makakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga boto sa bawat kategorya ang siyang tatanghaling winner at ang paparangalan sa isang celebrity party event na gaganapin sa Nobyembre 10 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.
Ilan lamang sa Digital Media Awards na igagawad ang PUSHLike Most Liked Male Celebrity, Most Liked Female Celebrity, Most Liked Group or Tandem, Most Liked Music Artist, at Most Liked Newcomer para sa Facebook, pati ang PUSHTweet Favorite Male Celebrity, Favorite Female Celebrity, Favorite Group or Tandem, Favorite Music Artist, at Favorite Newcomer para sa Twitter.
Maaari ring bumoto para sa mga celebrity na nagbabahagi ng kanilang buhay sa Instagram sa PUSHGram Most Loved Male Celebrity, Most Loved Female Celebrity, Most Loved Group or Tandem, Most Loved Music Artist, at Most Loved Newcomer.
Kikilalanin din ang mga pinakapatok na internet video celebrities sa YouTube sa mga kategoryang PUSHPlay Best Male Celebrity, Best Female Celebrity, Best Group or Tandem, Best Music Artist, at Best Newcomer.
Bukod sa nasabing Digital Media Awards, paparangalan din ang mga bituing gumawa ng ingay online sa nakalipas na taon sa mga sumusunod na categories: Awesome Celebrity Baby, Awesome Celebrity Family, Awesome Selfie King, Awesome Selfie Queen, Awesome OOTD King, Awesome OOTD Queen, Awesome Lip Sync Performance, Awesome LOL Performance, Awesome Dance Performance, and Awesome Song Cover Performance.
Meron din para sa fans - sa pamamagitan ng Ultimate Fan Award, na ibibigay sa natatanging fandom na siyang makakapag-post ng pinakamaraming tweets sa Twitter gamit ang special hashtags na nakatalaga sa kanila.
Ang lahat ng magwawagi para sa Digital Media Awards, Awesome Awards, at Ultimate Fan Award ay iva-validate ng auditing group na SGV.
Bukod pa sa tatlong major categories, bibigyan din ng espesyal na parangal ang mga magwawagi sa Digital Media Awards, kung saan pipiliin ang mga mapapabilang sa PUSH Elite Awards Male Celebrity of the Year, Female Celebrity of the Year, Group or Tandem of the Year, Music Artist of the Year, at Newcomer of the Year. Ang mga ito ay pipiliin ng mga kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan.
Mapapanood naman ang mismong Awards Night sa pamamagitan ng livestreaming sa sa Nobyembre 10.
Ang PLDT Home ang ka-partner ng Push.
Anak ni Jolina lagi na lang pinanggigigilan
“Ang cute ni Pele.” Ito ang laging litanya sa tuwing nakikita ang panganay na anak ng mag-asawang Mark Escueta at Jolina Magdangal na si Pele Iñigo Magdangal-Escueta ang kauna-unahang endorser ng Super Twins ng Megasoft Hygienic Products na pagmamay-ari ng mag-asawang Emilio at Aileen Go.
‘‘So happy to have the three of them now sa Megasoft. Fan ako ni Jolina at alam niya ‘yun. Wala kaming naging problem while doing the photoshoot and video shoot. Of course, dahil nga sa baby pa si Pele, may times na inaabot siya ng antok while nasa set, so we have to adjust kasi ganoon talaga ang baby. Ang saya lang sa set at wala akong masabi sa cooperation nina Mark and Jolina talaga,” kuwento ni Ms. Aileen na super hands on sa project katuwang ang Big Boy Productions ni Baby Delos Reyes.
Ipinanganak si Pele noong February 18, 2014 sa timbang na 10 kilograms. When asked about Pele’s height?
‘‘Siguro, kalahating Jolina!’’ bulalas pang tugon ng kanyang tatay na musikero.
Ngunit paano nga ba napapayag ang mag-asawang tanggapin ang offer ng Megasoft upang maging endorser sila ng Super Twins?
“Very happy kami sa quality ng Super Twins from the very beginning kaya kampante kaming i-recommend sa ibang parents ang product,’’ paglalahad pa ni Mark.
Bukod sa kanyang parents, tiyak na proud din lalo ang kanyang lolo Jun, ang tatay ni Jolina.