As of this writing ay nakabitin pa rin kung sino among the Kapamilya female stars ang papalit kay Angel Locsin para gumanap sa iconic heroine character na Darna na likha ng yumaong nobelista at cartoonist na si Uncle Mars Ravelo.
Taong 1951 nang unang isapelikula ang komiks novel ni Uncle Mars at ito’y pinagbidahan ni Rosa del Rosario at huling directorial job ng ama ng movie king na si Fernando Poe, Jr. na si Fernando Poe, Sr. Muling isinapelikula ang Darna noong 1964 at ginampanan ni Eva Montes. Ginampanan din ni Gina Pareño ang papel na Darna in 1969 at magkakasunod na ginampanan ng actress-politician na si Vilma Santos ang nasabing papel in 1974 sa pamamagitan ng Darna and the Giants, Darna vs. the Planet Women in 1975, at Darna and Ding in 1980.
Taong 1977, nang gawing TV series ang Darna ng old KBS-9 na produced ni Kitchie Benedicto at ito’y pinagbidahan ni Lorna Tolentino. In 1979, ginawa namang spoof ng comedy king na si Dolphy ang Darna at ginawa niya itong Darna Kuno.
In 1986, ginawang cartoon series ng GMA ang Darna. Taong 1991 naman nang muling buhayin ito ng Viva Films sa pamamagitan ni Nanette Medved na sinundan ni Anjanette Abayari in 1994.
Two years ago, ibinalita ng Star Cinema na muling lilipad si Darna sa pelikula sa pamamagitan ni Angel pero kung kailan malapit nang simulan ang pelikula at puspusan na ang paghahanda ng aktres ay saka naman ito nag-back out sanhi ng kanyang spine problem.
Ngayong hindi na matutuloy ang kanyang portrayal ng Darna at hindi na rin tumuloy ang nobyo niyang si Luis Manzano sa pagpasok sa pulitika, mukhang malakas ang possibility na magpakasal na ang magkasintahan sa susunod na taon. After all, pareho na silang nasa prime age para lumagay sa tahimik – Luis is 34 at 30 naman si Angel.