Mariel nanggulat sa bahay ni Kuya!

Isang malaking sorpresa para sa mga manonood ang muling pagpasok ni Mariel Rodriguez-Padilla sa Pinoy Big Brother house bilang pinakahuling celebrity guest ng 737 edition. Nauna nang pumasok sina Enchong Dee at Karla Estrada bilang celebrity house guests.

Matatandaang huling nakapag-host ang aktres ng nasabing reality show noong 2010 para sa Teen Clash edition. Magkahalong emosyon ang naramdam ni Mariel sa muling pagpasok ng Bahay ni Kuya. “I have mixed emotions. I’m so excited, I’m also nervous but over all, I’m really, really happy. Na-miss ko ‘yung transformation ng isang housemate.” nakangi­ting pahayag ni Mariel.

Naranasan na rin ng aktres kung paano ang maging housemate ilang taon na ang nakalilipas kaya handang-handa si Mariel sa muli niyang pagpasok sa pinakasikat na bahay sa buong bansa.

Roxanne iniiwas ang mga anak sa showbiz

Nagbalik sa Kapamilya network si Roxanne Guinoo pagkatapos ng ilang taong nilisan pansamantala ang pag-aartista. Kabilang ang aktres nga­yon sa teleseryeng Walang Iwanan kung saan isang ina ang kanyang karakter.

Hindi naging aktibo sa show business si Roxanne nang magkaroon ng asawa at dalawang anak. Aminado ang aktres na na-miss niya talaga ang pag-arte.

Tuluy-tuloy na raw ang pagbabalik ng aktres sa trabaho basta maganda ang gagawing mga proyekto. “Basta maganda ‘yung role, ‘yung hindi ako mapapahiya. Ayaw ko rin namang mapahiya bilang artista eh, mga direktor ‘yung mga katrabaho mo. As long as maganda at mabibigyan mo ng hustisya ‘yung role,” giit ni Roxanne.

Samantala, hanggang maaari ay hindi raw papayagan ng aktres na pasukin din ng dalawang anak ang pag-aartista. “Mas gusto ko ‘yung private ‘yung buhay nila. Kasi iba naman talaga ‘yung mundo natin eh. Iba ‘yung taping, puyat, ‘yung location. Ayaw ko naman na ma-stress ‘yung mga anak ko. So sana ako na lang, kaya lang kapag ginusto nila, hindi natin mapipigilan ‘yan eh,” pagbabahagi ng aktres.

Show comments