Ikatlong buwan na ngayon ng ipinagbubuntis ni Isabel Oli. Kinailangan daw mag-bed rest ng aktres kamakailan upang mapangalagaan ang kayang kondisyon. “Na-bed rest ako for one month kasi hindi namin alam noong una na I was pregnant. One month na pala, hindi namin alam. So nagte-taping kami halos everyday. Hindi na nga kami halos nagkikita rin. Tapos taping ako, shooting ako, gym tapos hiking kami, grabe! Tapos may swimming pa ako. So nagkaroon ng blood sa tabi ng sac, kailangang mag-bed rest,” pagbabahagi ni Isabel.
Nawala raw ang gana ng aktres sa pagkain mula nang magbuntis ito. “Medyo wala na akong ganang kumain pero normally oatmeal lang ang kinakain and the normal me is really matakaw, ngayon talagang sobrang hindi ako kumakain,” kwento ni Isabel.
May mga pangalang naisip na raw ang aktres at asawang si John Prats para sa kanilang magiging unang anak. “Kapag lalaki Keoni that’s how I name for John. Parang special rin sa amin kasi Hawaiian word siya and doon kami nag-honeymoon. Kapag babae naman Feather. May idol kasi ako na singer tapos ‘yung apo niya ‘yun ang name. Tapos sobra akong gigil na gigil name pa lang. Parang ang cute naman nito, girl na girl. Kaya ‘yun, unique. Gusto lang namin ng medyo kakaiba,” pagbabahagi ng aktres.
Wendell hindi malimutan ang indie director na pinatatakbo siyang nakahubad
Hindi raw naging maganda ang karanasan ni Wendell Ramos sa independent film na huli niyang ginawa. “’Wag na nating banggitin ‘yung title. Okay na ‘yon, wala namang kwenta. Binayaran naman ako do’n contrary sa tsismis na hindi nagbabayad ‘yung director,” bungad ni Wendell.
Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktor ang isang bagay na ipinagagawa sa kanya ng direktor na pinagmulan ng kanilang away. “Kasi pinapagawa niya sa akin ‘yung isang bagay na hindi naman dapat. ‘Yung maghuhubad tapos tatakbo do’n sa maliwanag. Eh ayoko ng gano’n. Kahit pa diniliman niya ‘yung ilaw, ayoko pa rin ng gano’n kasi ayoko ng nag-i-emote ako sa set. So sabi ko, ‘Direk, huwag n’yo naman po akong ganyanin. Unang-una, wala sa usapan ‘yan. Kung alam kong ganyan ‘yan at mahihirapan po ako, hindi ko po ‘yan gagawin para pahirapan pa kayo at mag-inarte ako sa set,” kwento ni Wendell.
Kahit nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila ay gusto pa rin daw makatrabaho ni Wendell ang direktor. “Wala naman akong arte. Alam mo, hindi naman ako parang mag-judge sa tao na, ‘Uy! Ayoko na siyang makatrabaho.’ Hindi naman tayo gano’n. As long na babayaran tayo nang maayos at bibigyan tayo ng magandang role ulit, nasa manager ko ‘yan. Ang sa akin lang talaga, ayokong maging judgmental na pangit magtrabaho riyan. Wala namang taong pefect,” paliwanag ni Wendell.