^

PSN Showbiz

John Lloyd hindi takot malaos

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tinanong ni Tito Boy Abunda sa kanyang programang Tonight with Boy Abunda si John Lloyd Cruz nang mag-guest ito the other night kung natatakot ba siyang malaos.

Lately kasi ay hindi masyadong visible ang actor at once a week lang ang show niya sa ABS-CBN. Indie film lang din ang ginawa niya lately, ang Honor Thy Father na official entry na sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kumpirmado umanong umurong na ang pelikulang Hermano Pule starring Aljur Abrenica. “Hindi, kasi hindi ‘yun ang pinunta ko rito eh. Malinaw naman kung ano ang pinunta ko rito, and that’s my love for the craft. That’s it. It’s been taking me to places that I’ve never been to, ‘yung naibigay niya sa akin, ‘yung impact sa buhay ko. Ever since, mula sa Tabing Ilog (ang kanyang kauna-unahang show sa ABS-CBN) days, malinaw na sa akin ‘yun,” sagot niya.

Pero dumating na pala sa point na naisip niyang layasan ang showbiz. “Yes. Hindi ako magsisinunga­ling. I mean, hindi ako magpapaka-ipokrito, kasi ano ‘yan, it’s life’s natural cycle and you don’t go against it. You don’t argue with it,” sabi niya.

Naka-renew na ng kontrata si John Lloyd sa Kapamilya Network pero hindi pa rin naman nadagdagan ang show niya. Though ginagawa na nila ni Bea Alonzo ang A Second Chance, ang sequel ng pelikula nilang Second Chance na pinilahan several years ago.

Pero agree kaya si John Lloyd na in a way ay nagkaroon ng dull moment ang career niya nang maging girlfriend niya si Angelica Panganiban?

Laglag-bala nakikipagsabayan sa balita sa Aldub

Nakakalokah ang Laglag Bala Modus sa NAIA. Kahapon ay na-feature na rin ang nasabing balita sa TIME.com at BBC. At ang title ng istorya - Airport Security in the Philippines Have Been Putting Bullets in Luggage to Extort Passengers.

Bukod sa TIME, na-feature rin ito sa BBC. At ang title naman sa BBC - Philippine legislators have called for an investigation into an alleged scam against passengers at Manila airport.

Naunang nanawagan si Lea Salonga sa mga turista na ‘wag munang pupunta ng bansa hanggang may ganitong problema sa airport.

International issue na talaga ang Laglag-Bala at nakikipagsabayan sa mga balita sa AlDub.

Sam hindi nag-a-assume na magiging dyowa ang nililigawang non-showbiz girl

May nililigawan naman si Sam Milby na non showbiz girl. Pero ayaw muna niyang mag-assume na magiging sila. Masyado pa raw early para sabihin niyang magiging girlfriend niya ang non showbiz girl.

Marami na kasing naiinip para sa actor/singer kung kailan siya magkaka-girlfriend. Six years na nga naman ang nakakalipas since mag-split sila ni Anne Curtis na ngayon ay sigurado na sa boyfriend na si Erwann Heussaff. Kung sabagay wala naman daw kasi siyang timetable sa pag-aasawa. “I’m a guy so, I don’t really have a time period. I can be 10 years and still, you know. My dad had me when he was 49. But my ideal age, siguro at 35 (he’s 31 now),” sabi niya the other day sa presscon ng kanyang 10th anniversary concert sa November 28, titled The Milby Way, sa Kia Theater in Cubao.

A SECOND CHANCE

ACIRC

ALIGN

ANG

BOY ABUNDA

JOHN LLOYD

LEFT

NIYA

PERO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with