MANILA, Philippines — Kumpirmadong tuloy ang paggawa ng mga producers ng Heneral Luna ng sequel at ito naman ay tungkol kay Gregorio del Pilar na pagbibidahan ni Paulo Avelino.
Unang ginampanan ni Paulo ang karakter sa Heneral Luna at dahil sa success ng pelikula ay itutuloy nila ang tungkol naman sa pinakabatang heneral sa kasaysayang ng bansa.
"I'm very excited," sagot ni ABS-CBN star. "As our producers said earlier, it's now in the works. We're doing proper research now and they're really preparing for it."
"I'm really excited to start shooting. I'm just excited for the Gregorio del Pilar film."
Aminado si Paulo na kinakabahan siya dahil isang bayani ang kaniyang gaganapan at dahil na rin sa success ng Heneral Luna.
"Syempre, 'andun lagi 'yung kaba. Pero sana, sana suportahan siya. Kumbaga, tao itong ipo-portray ko. Parte rin ito ng kasaysayan natin kaya medyo magiging challenge siya para sa akin," banggit ng Gawad Urian best actor.
"Hindi man mapantayan 'yung suporta na nakuha ng 'Heneral Luna,' sana malagpasan pa."
Bukod sa pelikula, may bagong rin siyang teleserye at pelikula kasama sina Maja at Anne Salvador na lalabas sa 2016.