Alfred gusto pa rin pagkakitaan ang showbiz

MANILA, Philippines –  Naramdaman ni Congressman Alfred Vargas ng District 5 ng Quezon City na nagbalik na ang tiwala ng mga tao sa actor-politician sa unang term niya bilang kongresista. Wala kasing nangahas ngayong kumalaban sa kanya sa 2016 elections kaya sure winner na siya sa pangalawang termino niya.

 Kung sakaling may makalaban, confident naman si Alfred na may laban pa rin siya lalo na’t may ma­lasakit siya sa tao at maganda naman ang na­ging performance niya sa tatlong taong serbisyo.

 “Prepared naman ako na may kalaban. Hindi lang ako prepared na wala palang kalaban! Ha! Ha! Ha!” biro ng mambabatas.

Tuluy-tuloy pa naman ang projects at serbisyo niya kahit walang kalaban sa posisyon.

Hindi naman ipinagkakaila ni Alfred na nami-miss niya ang showbiz. Huli siyang lumabas sa indie movie na Separados. Natuwa nga siya’t tinangkilik ng mga manonood ang historical movie na Heneral Luna.

Proud naman si Cong. Alfred nang gawin niya ang historical movie na Ang Supremo tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio. Dahil sa success ng Heneral Luna, may nagsasabi sa kanyang ipalabas muli ang Ang Supremo.

 “Kung hindi man maibalik sa regular run, baka magkaroon ako ng special screening ng Ang Supremo,” sey ng mambabatas na three years nawala sa showbiz.

Eh dahil may balitang magkakaroon ng remake ang fantaserye na Encantadia ng GMA 7 na tinatanawan niya ng utang na loob, payag siyang muling maging bahagi ng programa kung sakaling maisasama siya sa cast.

Show comments