Magandang young star nagnenok ng pusa ng kapitbahay

Ang cute ng kuwentong ito tungkol sa magandang youngstar (YS) at ang nawalang pusa ng kapitbahay nila. Tawa nga kami nang tawa habang nakikinig sa tsikang ito.

Sa tinitirahang townhouse ni YS, may kapitbahay silang may alaga ring pusa at isa rito ay kakaibang breed. Nawala ang pusa ng kapitbahay at kahit anong hanap sa compound ay hindi ito nakita.

After ilang weeks, nakita na lang ng driver ng nawawalan ng pusa na kasama na ang nawawalang pusa sa mga alaga ni YS. Ang hindi namin maintindihan ay kung bakit hindi na binawi ng real owner kina YS ang nawawala niyang pusa.

Ang sarap sanang mag-punch line at magbigay ng clues kung sino si YS, pero ‘wag na lang.

Regine todo beautification para sa kanyang concert

Bukod sa sunud-sunod na rehearsal, may beautification day din si Regine Velasquez under Dra. Vicki Belo bilang paghahanda sa series of concerts na gagawin niya simula sa November 6 sa Solaire. Nag-post si Regine ng picture niya habang nasa Belo at suportado siya ng kanyang fans.

Billed Regine at the Theater ang series ng concerts na songs from the musical ang repertoire. Sabi ni Regine, hindi na kailangan ang director ‘pag ganitong concert at sapat na ang mahusay na musical director na si Raul Mitra uli.

First time gagawin ni Regine ang ganitong concept, kaya may post siya sa IG na “This is probably one of the most difficult concerts in my career but I am so excited about this one. Again, I’m inviting everyone to come and join me in this musical adventure.”

Ipinaalala rin ni Regine na bawal ang picture taking at video recording during the show at kukumpiskahin daw ang mga camera. Nakatatawa ang ginamit na hashtag ni Regine sa paalala niyang ito na #SabiniSolaire.

Sina Audie Gemora, Aicelle Santos, at Jonalyn Viray ang guests sa concert, pero si Audie lang ang present in all Saturdays. Wala silang spot number. May number sila kasama ang Songbird.

Mapapanood din ang Regine at the Theater sa Nov. 7, 20, at 21. Produced ito ng IME at kabilang sa sponsors ang Bench, GMA Network, Luxent Hotel, at PLDT Home Regine Series, Belo at iba pa.

Samantala, may sagot si Regine sa pang­gagaya sa kanya ni Paolo Ballesteros sa Kalyeserye na ‘pag may narinig na “Regine,” agad sumisigaw ng “Woooooh.”

“Nakatutuwa! Flattered ako na ginagaya nila ako. Dati pa namang may gumagaya sa akin at never naging isyu sa akin ‘yun. Okay lang ‘yun at lagi akong nakasuporta sa mga gumagaya sa akin. I’m happy, very happy that Paolo is copying me.”

Kuh at Celia sanib-puwersa sa pagtataray?!

Kay Mark Reyes ibinigay ng GMA 7 ang pagdidirek sa bagong primetime series na Because Of You na pagbibidahan nina Carla Abellana, Rafael Rosell, at Gabby Concepcion. Si Direk Mark din ang director ng The Half Sisters na extended hanggang January 2016.

Madrasta ang narinig naming unang title ng primetime teleserye. Kung hindi kami nagkakamali, ito ang ipapalit ng network sa Beautiful Strangers.

Exciting ang unang pagsasama sa teleserye nina Kuh Ledesma at Celia Rodriguez na parehong may suplada image sa tao. Ano kaya ang role na gagampanan ng dalawa?

Direk Erik hindi pa nagre-react sa pag-atras ni Angel sa Darna

Binisita namin ang Instagram (IG) ni Erik Matti, director ng Darna. Wala pang comment ang director sa desisyon ni Angel Locsin na mag-back out sa project for health reasons. Nasa biyahe pa yata ang director.

Ang gusto ng fans ni Angel, ang aktres pa rin ang guma­nap na Darna. Wala silang ibang gusto kundi si Angel lang ang mag-Darna at may nakiusap pa kay Direk Erik na hintaying gumaling ang aktres.

Alden at Maine kinagat na rin ng mga international news program

Na-feature sa CNN Philippines, BBC News, at Bloom­berg ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. Sentro ng discussion ang pagi­ging pheno­menon ng love team at kung bakit inaabot ng milyun-milyon ang tweets nila.

Sunud-sunod din ang pagku-cover ng AlDub love team sa mga magazines at kundi kami nagka­kamali, sila pa lang ang young love team ng bansa na mapi-feature at magku-cover sa Reader’s Digest sa December issue nito.

Show comments