Fans ni FPJ nagdagsaan na sa sementeryo; Vina binawalan ang BF na makita ang anak sa isang model; Movie ni Solenn inilihim

SEEN: Ang Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas ang venue ng 2015 Miss Universe na gaganapin sa December 20, 2015. Si Pia Wurtzbach ang official representative ng Pilipinas sa 2015 Miss Universe.

SCENE: Hindi inconsistent ang acting ni Alice Dixson sa MariMar dahil may mga eksena na parang hindi siya kumain kaya walang kabuhay-buhay ang kanyang pagganap.

SEEN: Walang kaingay-ingay at tila inililihim ang Flotsam, ang indie movie na tinatampukan nina Rocco Nacino at Solenn Heussaff.

SCENE: Pagkatapos mawala sa kanya ang Darna movie dahil sa spine injury, nag-renew kahapon si Angel Locsin ng kontrata sa ABS-CBN.

SEEN: Inihahanda na ni Vic del Rosario ng Viva Group of Companies ang mga upcoming television project ng TV5. Si Boss Vic ang hinirang na bagong chief strategist for entertainment ng Kapatid Network management.

SCENE: Nagsisimula nang dumagsa sa puntod ni Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery ang kanyang mga matatapat na taga-hanga.

SEEN: Ipinagdiwang ni Pia Guanio sa Japan ang kanyang 42nd birthday. Kasama ni Pia sa Japan trip ang kanyang asawa at anak.

SCENE: Hindi nawawalan ng isyu ang lovelife ni Vina Morales mula sa pakikipagrelasyon noon kay Robin Padilla at sa businessman na si Cedric Lee hanggang sa kanyang current French boyfriend na si Marc Lambert na may anak sa model na si Avi Siwa. Nagagalit si Avi kay Vina dahil pinagbabawalan nito na bisitahin ng kanyang ex-boyfriend ang kanilang lovechild.

SEEN: Dapat maunawaan ni Vina Morales ang nararamdaman ni Avi Siwa dahil may asawa at legally married si Cedric Lee nang magkaroon sila ng bawal na relasyon. Kasal din si Robin Padilla kay Leizl Sicangco nang patulan siya ni Vina.

Show comments