Para sa akin, hindi kababawan ang babala ni Lea Salonga sa mga turista na bumibisita sa Pilipinas dahil sa mga kabalbalan na nangyayari sa NAIA.
Agree ako sa opinyon ni Lea tungkol sa laglag bala sa NAIA na “Until the authorities get to the bottom of this, I would suggest being extremely careful in traveling to the Philippines.
“Reportedly, airport employees are planting bullets into the luggage of unsuspecting travelers and demanding payment.
“Nakakahiya. Sobrang nakakahiya.
“Yes, folks, this is the country from which I hail. The country that has birthed the heroic and artistic, as well as the criminal and corrupt.
“Right now, it looks like the latter is outnumbering the former. Ang kawawang bayan ko. Paano na ito?”
Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng emote ni Lea. Nakakapanginig naman talaga ng laman ang kabalahuraan na nangyayari sa NAIA. Saan kaya nanghihiram ng kapal ng mukha ang mga tao na naglalagay ng bala sa mga maleta ng mga inosenteng pasahero? Nakakatulog pa kaya sila nang mahimbing?
Kahit na ni-renovate na ang NAIA, ito pa rin ang isa sa mga worst airport sa buong mundo dahil sa kasumpa-sumpang gawain ng laglag-bala gang!
Edu at Luis most photographed sa proklamasyon ng mga senador ng PGP
Happy ako dahil magkakasama sa Partido Galing at Puso ang mga senatorial candidate na malapit sa puso ko, sina Atty. Lorna Kapunan, Congressman Roman Romulo, Manila City Vice Mayor Isko Moreno, Senator Tito Sotto, Senator Ralph Recto, at Edu Manzano.
Kasama ang ibang mga senatoriable, ipinroklama kahapon ang lima sa pagtitipon na ginanap sa Club Filipino at dinaluhan ng kanilang presidente at bise presidente, sina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero.
Celebrity studded ang proklamasyon dahil mula sa mundo ng showbiz ang mga kasali sa tiket nina Papa Chiz at Mama Grace.
Siyempre, most photographed candidate si Papa Edu at ang anak na si Luis na suportado ang senate journey ng kanyang fadir.
Na-sight din sa Club Filipino si Ryan Christian, ang anak ni Senator Ralph at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
Ang sey ng mga usisero, kay gandang pagmasdan nina Papa Edu, Luis, at Ryan habang nag-uusap sila.
Roman Romulo suportado ng mga magulang at ni Shalani
Kasama naman ni Papa Roman Romulo ang kanyang mga magulang at ang misis niya na si Shalani Soledad.
Kahapon ko lang nalaman na pink ang political color ni Papa Roman kaya nagmistulang pink ang paligid ng Club Filipino dahil sa pink tarpaulins ng Team Romulo.
Pink din ang kulay ni Atty. Kapunan pero mas matingkad na pink. Nag-promise si Mama Lorna gagamitin niya ang kanyang 38 years na karanasan bilang abogado para makatulong sa mga Pilipino at sa pag-unlad ng bayan.
Kahit walang kalaban Alfred ayaw mag-relax, todo ang ginagawang pangangampanya
Nagkita kami kahapon ni Congressman Alfred Vargas sa isang restaurant sa Quezon City para sa tsikahan portion niya sa entertainment press.
Tatlong taon nang hindi active si Alfred sa showbiz dahil priority niya ang constituents sa District 5 ng Quezon City kaya paulit-ulit ang kanyang dialogue na “Na-miss ko kayo ah!”
Hindi masyadong mahihirapan si Alfred sa pangangampanya sa 2016 dahil wala siyang kalaban as in sure winner na ang alaga ko.
Pero kahit walang kalaban, hindi ito dahilan para mag-relax si Alfred dahil ayaw niya na mabigo ang expectations sa kanya ng mga tao.
Ipagpapatuloy ni Alfred ang pag-iikot sa District 5 ng Quezon City para matulungan ang mga constituents na nangangailangan ng kanyang suporta.