Asintado namayagpag sa NY

Congratulations kina direk Louie Ignacio, Aiko Melendez, at Epy Quizon dahil sa panalo nila sa katatapos na International Film Festival Manhattan na ginanap sa New York City.

Nanalong Best Direktor si direk Louie at si Aiko naman bilang Best Actress para sa pelikulang Asintado na idinirek ng una. Isang indie naman mula Singapore na pinamagatang Unlucky Plaza ang nagbigay kay Epy ng Best Actor award.

Proud na naman sa inyo ang mga Pinoy.

Andre inaabangan kung kanino mas magki-click

Kanino kaya mas aangat ang career ni Andre Paras, kay Barbie Forteza ng GMA o Yassi Pressman ng Viva?

‘Di pa tiyak kung matutuloy ang isa pa nilang serye ni Barbie sa GMA, pero huhusgahan na sila ni Yassi sa Girlfriend for Hire. Pinakaaabangan din ang The Half Sisters para malaman ng manonood ang kahahantungan ng cha­racter ni Andre. Kung mamamatay siya at mapupunta si Barbie kay Ruru Madrid.

Hindi payag ang fans and supporters ni Andre na mamatay siya, huh!

Mauuna namang mapanood ang YanDre sa pelikulang Wang Fam na showing na sa November 18. Pinagbibidahan din ito nina Pokwang at Benjie Paras.

Show comments