Menudo, balik-Pinas pagkatapos ng tatlong dekada!

MANILA, Philippines – Phenomenal ang naging success ng Menudo na nagsimula during 1980s. Nakilala ang grupo hindi lang sa Latin region na pinagmulan nila kundi all over the world at nagkaroon din ng milyun-milyong fans sa Amerika, Europe, Japan, Pilipinas at iba pang panig ng mundo.

Ang kanilang tagumpay ay nagbigay din sa kanila ng multilingual album covers, major deals and commercials with brands like Pepsi Cola. Hanggang ngayon, the Latin boy band’s record for sales, concert attendance and appearances ay nanatiling hindi natitinag.

Sa kasaysayan ng mga boy band, ang Me­nudo ang may pinakamaraming list ng member na umabot ng 37. Each member kasi ay kailangang umalis sa group once they reach the age of 16.

Sa Sao Paulo Brazil, more than 200,000 ang nanood ng kanilang concert at sa Mexico ay umabot ng 500,000.

Nu’ng April 11, 1985, nag-concert ang Menudo sa Pilipinas. Isa sa very memorable acts ng concert ay ang opening number with Philippine’s very own Lea Salonga.

Pagkatapos ng 30 taon, muling magbabalik sa Pilipinas ang Menudo para sa kanilang reunion concert na magaganap on Dec. 15 sa Araneta Coliseum kung saan sila unang nag-concert.

Kabilang sa magpe-perform ang mga dating Menudo members na sina Rene Farrait (na naging miyembro mula 1977-1982), Charlie Masso (1982-1987), Miguel Cancel (1981-1983), Ray Reys (1983-1985) at Robert Avellanet (1988-1991).

Kakantahin ng grupo ang kanilang classic hits tulad ng Explosion, If You’re Not Here, Lady and I’m Coming Back to Manila at marami pang iba.

For tickets, log on to www.ticketnet.com.ph or call 911-5555 today! For concert info go to www.lmmusicagency.com.

Chiz liligawan ulit ang biyenan para kay Grace

Hindi naman pala nababahala ang mister ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero kahit na nagpahayag ng suporta ang kaniyang biyenan na si Cecile Ongpauco kay Sen. Miriam Defensor Santiago sa halip na sa running mate niyang si Sen. Grace Poe.

Nilinaw ito ni Chiz pagkatapos dumalo ang nanay ng misis na si Heart Evangelista sa “meet and greet” event ni Madam Miriam Santiago sa UP noong Lunes (Oct. 26).

Aminado si Chiz na “very close” ang biyenan at si Senator Miriam pero kumpiyansa siya na makukumbinsi rin nila ni Heart ito upang suportahan ang ka-tandem na si Grace para sa 2016 election.

“Friendships and relationships go beyond politics. While I respect the position of Heart’s mother, who is admittedly very close to Senator Miriam, it will not deter me and Heart from trying to convince her to support Senator Grace,” say ni Chiz sa Facebook na may kasama pang hashtag na? #?KeriYan.

I’m sure alam ni Chiz kung paano suyuin ang biyenan dahil minsan na rin silang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa simula ng relasyon nila ni Heart.

Siniguro naman ni Chiz na mananatili ang pagkakaibigan nila ni Senator Miriam kahit na magkakatunggali sila sa larangan ng pulitika.

Balik-tambalan ng Kimxi mapapanood na sa abroad!

Matatapos na ang pag-aantay ng mga KimXi fans (tawag sa Kim Chiu and Xian Lim loveteam) dahil ngayong October mapapanood na ang pinakaaabangang romance –comedy (romcom) tampok ang isa sa pinakamalaking love teams sa simultaneous release nito sa theaters sa North America (U.S. & Canada), via Pay Per View (PPV) on TFC IPTV & online platform na TFC.tv sa select states/provinces sa North America; via PPV on TFC IPTV sa Middle East, Europe, Japan, Australia at New Zealand; at via TFC.tv sa mga bansang ito at sa iba pang parte ng mundo.??

Ang Must Date The Playboy, na base sa Watt­pad series (source ng original na mga kuwento mula sa contributors) na may kaparehong title, ay ang pagbabalik-tambalan nina Teleserye Princess Kim Chiu at Kapamilya Heartthrob Xian Lim sa isang kakaiba-ibang story na may romantic twist.?? Si Zach (Xian) ay isang certified heartthrob na hinahangaan ng maraming kababaihan na siya naman ikinagagalit ng girlfriend na si Chloe (Jessy Mendiola na tampok sa kauna-unahan niyang villain role).  Para kay Chloe, lahat ng bagay ay nakukuha niya.  Kaya naman nang mabisto si Zach na nangangaliwa, hiniwalayan niya ito agad at nag-move on.?? Kahit masayang nasa piling ng ibang lalaki Greg (Matt Evans), madidiskubre ni Chloe na gustong bumalik ni Zach sa kaniya.

Humingi ng tulong si Chloe sa best­friend na si Tori (Kim) para paibigin ang ex-boyfriend ngunit pinagtawanan lang ito ni Zach.  Mare-relea­lize naman ni Zach na si Tori ang susi niya para mapalapit sa ex-girlfriend kaya ni-reconsider niya ang ‘pangliligaw’ ni Tori.  Ang kondisyon ni Tori ay ligawan siya ng tunay.??

Sa isip ni Tori, pagkakataon na niyang bumawi.  Unti-unti, mahuhulog ang damdamin ni Tori at Zach para sa isa’t isa, hanggang ma-realize ni Chloe na may gusto pa pala siya kay Zach.

?Muli na naman bang magpaparaya si Tori?  Isa­santabi ba niya ang kaniyang nararamdaman kahit alam niyang she has found the one???

Panoorin ang exciting twists and turns sa  Must Date The Playboy sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz, via simultaneous release sa various digital platforms ng TFC: sa theaters sa North America (U.S. & Canada), via Pay Per View (PPV) on TFC IPTV & TFC.tv sa select states/provinces sa North America; via PPV on TFC IPTV sa Middle East, Europe, Japan, Australia at New Zealand; at via TFC.tv sa mga bansang ito at sa iba pang mga bansa na nagsimula noong October 23.??

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.tfc-usa.com/atthemovies, o tumawag sa 1800 227 9676 sa North America; tumawag sa 9714 390 2180 sa ME; tumawag sa 00 800 7868 4535 sa Europe; tumawag sa 1800 227 226 sa Australia at New Zealand at tumawag sa 0120 832 863 sa Japan.(SVA)

Show comments