Lovi umiiwas pag-usapan si Rocco! Bestfriend ng GF ni Cesar na nababalitang buntis, nagsalita na!

PIK: Medyo complicated ang bentahan ng tickets ng Regine at the Theater concert ni Regine Velasquez kaya gusto nilang iparating sa lahat na mabibili ang tickets sa SM Tickets lamang.

Sa Solaire Theater ang naturang concert na naka-schedule sa November 6, 7, 20 at 21. Kaya sa mga gustong bumili ng tickets, makakakuha kayo sa lahat na SM outlets.

Puwede kayong pumunta lang sa mga sinehan sa SM, makakabili na kayo roon.

Hindi kasi kayo makakabili sa mismong araw ng concert venue kaya mas mabuting dumaan muna kayo ng SM para makakuha na kayo ng tickets.

PAK: Bestfriend pala ng dating Miss Earth na si Stephanie Stefanowitz ang kapwa Miss Earth ding si Sandra Seifert, na deretsahang sinabing hindi ito buntis.

Sandaling nakatsikahan namin si Stephanie sa press launch ng New Placenta na kung saan isa siya sa mga endorsers kasama si Ejay Falcon. Kuwento niya, medyo matagal na raw silang walang komunikasyon, pero na­kikita raw niya sa Facebook account ni Sandra na hindi naman mukhang buntis, taliwas sa napabalitang nagdadalangtao ito courtesy of Cesar Montano.

Open naman daw silang dalawa, at hindi raw sila naglilihim. Kaya hindi naman daw ito magsisinungaling sa kanya.

BOOM: Nakakaduda naman ang pananahimik ni Lovi Poe kapag tinatanong namin tungkol sa relasyon nila ni Rocco Nacino.

Ini-launch si Lovi kahapon bilang endorser ng Imono Steel Jewelry at nakiusap sa aming tungkol na lang daw sa Imono ang pag-usapan namin.

Napapangiti lang ito kapag kinukumusta namin tungkol sa kanila ni Rocco. “Huwag muna natin siya pag-usapan for today,” pakli ng Kapuso actress.

Nakakaduda, dahil base sa pag-iwas niya sa mga tanong namin tungkol kay Rocco parang may pinagdaraanan silang dalawa.

Magkasama sila ni Rocco sa Beautiful Strangers, pero si Heart Evangelista naman daw ang nakakaeksena dahil nasa ibang unit daw siya na kung saan si Benjamin Alvez naman ang nakaka­eksena niya.

Pagkatapos ng Beautiful Strangers, magbabakasyon si Lovi sa Europe dahil treat daw niya ‘yun sa kanyang Mommy na magsi-celebrate ng kanyang 50th birthday. Kasama raw nila ang tita niya, at hindi raw susunod si Rocco sa kanila.

Show comments