TINGNAN: Pictorial nina Alden, Maine para sa ‘My Bebe Love’

Magkakasama sina Ai Ai delas Alas, Alden Richards, Direk Jose Javier Reyes, Maine Mendoza at Vic Sotto para sa kanilang pelikulang "My Bebe Love." Instagram/Direkjoey

MANILA, Philippines – Matapos ang “Tamang Panahon” na pagkikita nitong Sabado sa Philippine Arena, nagkasamang muli sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza para sa pictorial ng kanilang pelikulang “My Bebe Love.”

Kasama nina Alden at Maine sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas sa pelikula na official entry nila sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Si Direk Jose Javier Reyes ang direktor ng unang pelikula ni Maine matapos ang pagsikat sa “Kalye-serye” ng “Eat Bulaga.”

Tingnan ang mga behind the scenes photos mula sa Instagram account ni Direk.

 

 

 

 

 

Nitong Sabado ay record-breaking sa Twitter ang pagkikita nina Alden at Maine, kung saan pumalo sa halos 40 milyon tweets ang naitala.

Napuno rin ng Eat Bulaga ang largest indoor stadium sa buong mundo na tinatayang 55,000 ang laman.

Show comments