May dapat i-explain ang stylist na si Liz Uy, lalupa’t binayaran pala ng Eat Bulaga ang recycled gown na ipinasuot niya kay Maine Mendoza sa Philippine Arena noong Sabado.
Sa mga nagsasabi na hindi big deal ang nangyari, big deal ‘yon, lalo na kung mahal ang talent fee na sinisingil ng mga stylist. Properly paid sila kaya karapatan ng kanilang mga kliyente na mag-demand at mabigyan ng proteksyon.
Naalaala ko tuloy ang kuwento tungkol kina Kris Aquino at Marian Rivera nang magkasama ng dalawa sa Asian Television Festival na ginanap noon sa Singapore.
Tinanong ni Kris kay Marian ang name ng stylist nito dahil napansin niya na nagamit na ni Angel Locsin sa ibang event ang damit na ipinasuot kay Marian ng stylist na Pam something ang pangalan.
Blessing in disguise na hindi nag-win si Marian sa awards night na dinaluhan or else, siguradong kakalat ang kanyang picture at mapapansin ng mga intrigera na naipasuot na kay Angel ng dating stylist niya ang damit.
Walang ipinagkaiba ang kaso ni Liz at ng ex-stylist ni Marian.
Hindi tama na ipinasuot kay Maine ang gown na pinalabas na sa 2015 Spring Collection ng fashion designer na pinagkunan ni Liz ng gown pero lumitaw na 2013 o two years ago pa nang isuot ni Kim Chiu sa isang fashion show.
Malaking aral para sa ibang mga stylist na mahal maningil ng talent fee ang naging karanasan ni Liz. Ano ba ‘yung mag-effort kayo na ipagawa ng bagong gown o damit ang inyong mga kliyente para hindi sila napapahiya. Teka, si Liz pa rin ba ang stylist ni Kris?
Amy binagayan ng pagiging endorser ng Strike
Ang yaman-yaman ng ATC Healthcare dahil sunud-sunod ang mga presscon nila para sa kanilang mga endorser.
Noong nakaraang linggo, nagpatawag ng presscon ang ATC Healthcare para kay Kim Chiu, ang endorser ng FatOut. Isinabay sa presscon ang contract signing ni Kim at kahapon naman, nag-renew si Amy Perez ng kontrata sa ATC Healthcare bilang endorser ng Strike, ang water based insecticide spray na perfect na pamatay sa mga lamok na nagdadala ng dengue.
Nagpasalamat si Amy sa mga big boss ng ATC Healthcare dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. Bagay na bagay kay Amy ang maging endorser ng Strike dahil ginagamit niya ito na proteksyon sa kanyang mga anak laban sa kagat ng mga mapinsalang lamok.
‘Basketball superstar na si Von Rolfe inaanak ko pala’
Nagulat ako nang malaman ko na inaanak ko pala sa binyag ang Ateneo de Manila Blue Eagles player na si Von Rolfe Pessumal.
Parang kailan lang nang binyagan si Von sa isang simbahan sa Mandaluyong City at kabilang sa godparents sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino.
Ngayon, basketball superstar na ang aking 2-year old grandson na anak ng aking longtime friend na si Dr. Chandru Pessumal na isang mahusay na optician.
Baby pa si Von nang binyagan kaya kung magkakasalubong kami, hindi ko na siya makikilala dahil 6’2 na ang kanyang height, maliban na lang kung magpapakilala siya sa akin.
Number 19 ang jersey ni Von na one of these days eh makikita ko na uli kapag natuloy ang imbitasyon ng kanyang napakabait na ama na may optical shop pa rin sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Looking forward ako na ma-meet ang inaanak namin nina LT at Gabby.