Heart magkakaroon na ng cooking show kasama ang ina

Mommy Gicelle at Heart

Magkakaroon ng cooking show si Heart Evangelista sa Starworld. May pictures siyang pinost sa Instragram (IG) account sa taping at sinabing first ever cooking show niya ito. Wala naman sigurong isyu ito sa GMA 7, kung saan may exclusive contract si Heart dahil sa cable napapanood ang Starworld. Hindi pa sinabi ni Heart kung kailan ang airing ng kanyang cooking show at kung ano ang title. May pictures na kasama niya ang mom niya, hindi lang malinaw kung magkasama sila ng mommy niya sa show o guest lang. Pero may cookbook silang ilalabas.

Anyway, patuloy pa rin napapanood si Heart sa Beautiful Strangers at laging inaabangan ng viewers ang confrontation scenes nila ni Lovi Poe. Sa husay nilang dalawa, para talaga silang magkaaway in real life.

Nasa top list agad ang album Sabrina sikat na sikat sa mga bansa sa Asya

May version si Sabrina ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran at kasama ang song sa kanyang I Love Acoustic 8 album under MCA Music, Inc. Sabi nito, ni-record niya ang song bago pa ang AlDub pheno­menon. May version kasi si Alden Richards ng same song at baka nga naman akusahan siyang nakikisakay sa popularity ng AlDub.

May 18-track ang album na tiyak maghi-hit hindi lang dito, pati na sa Asian countries na sikat siya gaya sa Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia, at Vietnam.

In fact, pumasok agad sa Top 10 ng iTunes sa mga nasabing bansa ang kanyang album.

Dahil sa kasikatan ni Sabrina sa Asia, naimbitahan siya sa 2015 Asia Song Festival na ginawa sa Busan, South Korea noong October 11. Kasabay ni Sabrina na nag-peform ang mga sikat na K-pop artists na EXO, GOT7, Red Velvet, at B.T.S., NGT48 ng Japan, at William Chan ng China. Ang highlight ng event ay ang number nila ng K-pop group na B1A4 ng song na Lonely na kinanta ni Sabrina in Korean language.

Tito, Vic, at Joey pinuri ng fans, pumayag na maging back up lang

Hindi natapos ang kilig ng AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza last Saturday dahil kahapon, sa Sunday PinaSaya tumawag si Maine para magpasalamat sa shoes na ibinigay ni Alden sa segment nitong DJ Bae, sa Eat Bulaga.

Natulala, nawala sa karakter, nabulol, at kinilig si Alden na tumungo pa nang malamang si Maine nga ang kausap niya.

Samantala, pinupuri ng fans ang ibang Dabarkads kasama sina Tito Sitto, Vic Sotto, and Joey de Leon dahil pumayag na maging supporting sila nina Alden at Maine at ng tatlong lolas na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola.

Ikatutuwa ng AlDub Nation na bukas na ang first day shooting nina Alden at Maine ng My Bebe Love na magkasama.

Show comments