^

PSN Showbiz

Tatay ni Alden nabugbog ng mga kinikilig na fans

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masusubukan sa pelikulang Wang Fam ng Viva Films kung may magic ang loveteam nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Bago pa nagsimula ang Wang Fam ay nasimulan na rin ang Girlfriend for Hire na maglulunsad sa loveteam ng dalawa. Pero uunahin muna itong Wang Fam sa tulong ng big stars sa comedy.

Maingat ang Viva sa launching movie nina Andre at Yassi para hindi mabantilawan. Kaya mauuna muna ang Wang Fam na magsu-showing na sa November 18.

May idinagdag pang eksena sa Girlfriend for Hire kung saan magi-guest si Benjie Paras bilang suporta sa kanyang anak.

PAK: Halos magkasabay na nag-tweet sina Alden Richards at Maine Mendoza na nagpasalamat sa lahat na pumunta sa Philippine Arena para makisaya sa Sa Tamang Pa­nahon Grand Fans Day.

Medyo late na rin nag-post si Tito Joey de Leon sa kanyang Twitter account na nagpapasalamat sa buong AlDub nation lalo na’t umabot na ng halos 38 million ang tweets bago maghating gabi.

Pero ang nakakaawa ay ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson, Jr. na halos nabugbog ng mga babae sa likuran niya habang pinapanood ang duet nina Alden at Maine ng kantang God Gave Me You.

Sa sobrang kilig, nahahampas na nila ang likuran ng ama ni Alden.

BOOM: Sa halip na matawa, awa ang naramdaman namin sa magaling na aktor na ito na tila hindi pa rin nakaalis sa dati niyang bisyo.

Kuwento ng aming source, sobrang late raw dumating itong aktor sa taping ng regular show niya.

Kasi naman laging nakasunod daw ito sa girlfriend kaya pati ang trabaho niya ay naapektuhan.

Pinagsabihan daw ito ng direktor na “Paano pa makunan ang mga day effect niya eh malapit nang lumubog ang araw.”

Hiyang-hiya daw si aktor kay direk at sa mga co-stars na nagsu-sorry sa pagdating niya ng late.

Umalis daw sandali si aktor, kinuha ang cell phone at may tinawagan.

Narinig daw ng ilang staff na kausap ni aktor ang Daddy niya. Daddy daw siya nang daddy sa kausap niya. Nakikiusap daw siya sa ‘Daddy’ na kung puwede ay pahabain naman ang araw dahil marami pa siyang shot na araw ang eksena.

Pagbalik sa set, sinabihan daw niya si direk na huwag nang mag-aalala umokey na raw ang Daddy niya na pahabain ang araw, para makunan ang lahat ng eksena niya na may araw pa. Natulala na lang daw ang lahat na nakarinig sa set.

ALDEN RICHARDS

ANDRE PARAS

ANG

BENJIE PARAS

DAW

GOD GAVE ME YOU

GRAND FANS DAY

MAINE MENDOZA

NIYA

PERO

WANG FAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with