Bilang baguhan sa show business ay pinapangarap na raw ni Liza Soberano na magkaroon ng acting award balang araw. Bukod sa mga teleserye at pelikulang nagawa ay kabi-kabila na rin ang endorsements ng dalaga ngayon. “The fulfillment of an actress is once they get an award or they are praised for their acting and I hope to get that one day before I finished this career of mine. I do want to get an award. I want to experience all the different genres in a movie,” nakangiting pahayag ni Liza.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring pasukin ng aktres ang music industry. “Well, if given the opportunity siguro. When I was little I used to write my own songs. I have one song that I wrote actually. If I am to do an album I would like to do something that’s coming from the heart, more of what Taylor Swift does,” pagbabahagi ni Liza.
Samantala, sa January ay magdiriwang ng kanyang 18th birthday ang dalaga. Nagbabalak daw si Liza na pumunta at manirahan sa Paris ng ilang araw na hindi kasama ang kahit sino sa kanyang pamilya. “For my 18th birthday, I want to go to Paris pero hindi po kasama ‘yung daddy ko o tita ko. Parang I want to try to be an independent woman. I will be going with my best friend,” giit niya.
Richard malungkot na mababawasan ang trabaho
Tatakbo bilang alkade ng Ormoc si Richard Gomez para sa nalalapit na eleksyon. Mabilisan lamang daw ang naging desisyon ng aktor upang tanggapin ang naging alok sa kanya. “When it was offered to me, wala talaga akong plans to run in the next elections. I decided lang the night before the last day of filing. Hindi pwedeng walang tatakbo sa Ormoc so I took the challenge. Hindi ko pwedeng iwanan si Lucy ng walang tatakbong mayor sa Ormoc,” bungad ni Richard.
Pansamantalang iiwan ng aktor ang pag-aartista sa panahon ng kampanya. “Ang daming sacrifices na kailangan gawin. ‘Yung trabaho ko sa TV at movie definitely masa-sacrifice ‘yun. In fact, all throughout until bago mag-filing, buong puso ko na alam kong hindi ako magfa-file, hindi ako tatakbo. It’s really a sacrifice para sa career ko and for the family but kailangan din kasi ni Lucy ng support sa trabaho na ginagawa niya. Alam ko naman if I’m going to win as mayor sa Ormoc, madami talaga akong magagawa for the people of that place,” pagbabahagi ni Richard.
Aminado rin ang aktor na ikinalulungkot niyang mababawasan ang mga proyekto niya sa showbiz. “Somehow I feel sad. Alam ko na mababawasan ‘yung magiging trabaho ko rito sa showbiz. At the same time, you never know kung ano’ng mangyayari sa akin. Talagang it’s really a big challenge for me,” pagtatapos ng aktor.