MANILA, Philippines – Makakapang-okray o imbyerna pa kaya ngayon si Vice Ganda? Hihihi. Ilang panahon din kasi siyang nagreyna sa pang-ookray sa TV shows niya hanggang sa kanyang concert.
Pero iba na ang panahon ngayon. Ang power ng social media, lalo na ang Twitter, na winasak ng AlDub ang record ng World Cup na more than 36 million tweets. As of yesterday, naka-39 million tweets na ang hashtag na AlDUBEBtamangpanahon.
Although hindi mo rin naman masabi. Dahil last election, kung nakakamatay lang ang pangba-bash, wasak na wasak sana ngayon si Sen. Nancy Binay. Grabe noon ang ginawang pangba-bash kay Nancy na nag-umpisa kay Vice pero walang nagawa dahil nanalong senador si Nancy.
Ngayong election kaya makapang-okray pa si Vice matapos mapatunayan na hindi na bumebenta ang kanyang pagtataray?
Sumuko na rin siya sa pakikipaglaban sa Eat Bulaga. Nag-iba ang ihip ng hangin.
Actually, kung hindi lang siguro nang-imbyerna si Vice noong nag-uumpisa ang AlDub baka hindi siya pinagkakaisahan. Pero maraming nainis sa kanya at lalong na-challenge. Kaya ayun, siya ang napuruhan.
Pero at least ngayon nag-dialogue si Vice na hindi naman daw sila nakikipagkumpitensiya, andiyan sila para maghatid ng saya. Nakakaanim na taon na sa ere ang It’s Showtime at last Saturday nga ay hinirang sina Vice, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz bilang pinakabagong kampeon ng Magpasikat sa selebrasyon ng ANIMversary ng programa.
NBSB pang-good vibes
Parang maganda ang pelikulang No Boyfriend Since Birth, ang balik-tambalan ng loveteam nina Carla Abellana and Tom Rodriguez for Regal Entertainment.
Gusto kasi ngayon ng tao ay positive and good vibes lang. Ayaw na nila ng okrayan at imbyernahan o sabungan sa mga napapanood nila.
Eh ang kuwento nito ay tungkol sa isang executive assistant ng isang bridal shop na tigang sa lalaki dahil in love siya sa high school crush at umasang sila ang magkakatuluyan sa huli.
Sa synopsis pa lang, interesting na. Eh may chemistry pa sina Carla at Tom.
In real life, may spark sila pero walang umaamin ng real score ng relasyon nila.
Showing ang movie sa November 11.
Wang fam matagal nabitin
Isa pang aabangan ay ang pelikulang Wang Fam starring Pokwang, Benjie Paras at ang loveteam nina Andre Paras and Yassi Pressman directed by box-office director Wenn Deramas.
Kuwento ni Direk Wenn, ang tagal na ng story nito at maraming beses nang nagkaroon ng go signal sa Viva Films pero ibang artista ang ibinibigay sa kanya. Kaya lang, hindi niya raw ma-imagine na hindi si Pokwang ang magbida sa pelikulang ang original title ay Aswang Family.
In all fairness sa trailer pa lang, nakakatawang nakakatakot na at sakto nga kay Pokwang.
Showing naman ito sa November 18.
Everyday I love You importanteng kumita
Maganda rin ang trailer ng Everyday I Love You, ang pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Enrique Gil, and Liza Soberano na showing na sa October 28. Interesting ang kuwento base sa sunud-sunod na trailer na ipinalalabas sa ABS-CBN.
Second movie ito ng LizQuen loveteam kaya importante na pumatok din lalo na nga’t galing si Enrique sa eskandalo sa eroplano kamakailan lang.