Coco naging talent scout ni Onyok!

Hindi napipigil ang pagdating ng swer­te. Hindi pumasa ang taga-Laguna  na si Simon Pineda sa audition na ginawa para sa FPJ’s Ang Probinsya­no pero napapanood natin siya sa ser­ye.

At sa maniwala kayo’t sa hindi, siya ang gumaganap ng role ng batang sidekick ni Coco Martin na si Onyok. O ‘di ba, ang galing-galing niya? Matapos ma-deny sa audition nilapitan lamang niya si Coco at nagsabing baka pwedeng makasama siya sa serye at ayun na nga, kasama na siya.

Biruin mo, kung mahina-hina ang loob niya, baka hindi siya naging artista eh, may talent pa naman siya.

Bea negosyo na ang iniisip

Kung si Barbie Forteza ay nagawang pangatawanan ang pasya na huwag magkaro’n ng coming out party sa pagtuntong niya ng 18 years old, si Bea Binene ay nagawang makumbinse ng pa­mil­ya niya, mga kaibigan at mga kapwa Kapuso na magkaro’n ng party dahil minsan lamang mag-18 ang isang babae.

Ang gown niya ay gawa ng isang New Yorker.

Obvious na hindi pa siya nakaka-move on sa paghihiwalay nila  ni Jake Vargas dahil hindi ito imbitado sa okasyon niya. Tsk. Tsk Tsk.

Hindi totoo na siya ang prodyuser ng kanyang reality-lifestyle TV show na pinamagatang Legally B na napapanood tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA News TV.

“May nagpo-prodyus po nito at hindi ako,” mariin niyang tanggi. “Simula pa lamang ito ng aking investments. May balak po akong mag put up  ng isang business soon,” dagdag pa niya.

Show comments