Pagka-debut, Bea Binene gusto nang matulog na mag-isa

Bea Binene

MANILA, Philippines – Excited na ang Kapuso teen idol na si Bea Binene para buksan ang panibagong yugto ng kanyang buhay sa pagsalubong sa kanyang 18th birthday.

At isang grand debut ang magaganap sa Manila Hotel. Kung si Bea lang, gusto sana niyang mag-abroad na lang pero request ng mother niya at GMA Artist Center na mag-party siya dahil isang beses lang naman ito magaganap sa buong buhay.

At ang wish niya sa kanyang 18th birthday: “Ang matulog sa sariling kuwarto ang gusto ko. Saka walang cut off sa pagtulog. Kasi laging pag-alas dose na, sinasabihan niya ako na matulog na! Sana payagan ako,”  apela ng young actress sa ina.

Sa kanyang pagiging 18, marami pa rin daw siyang gustong gawin sa career niya.

“Marami pa akong gustong patunayan sa sarili ko. I also want to know more about myself, and discover new avenues for my craft. Marami pa rin po akong gustong matutunan, so I’m preparing myself for whatever life has to offer.”

Show the love itinapat sa Tamang Panahon

Tuluy-tuloy pala ang pagtanggap ng It’s Showtime ng tulong para sa gustong tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Lando bilang bahagi ng kampanya ng Show The Love.

Inilunsad last Wednesday sa nasabing programa ang naturang kampanya para sa mga niragasa ng bagyong Lando sa maraming bahagi ng bansa.

Bukod sa pagtanggap ng donasyon, napapanood din sa programa ang ilang news updates tungkol sa mga napinsala sa Gitna at Hilagang Luzon.

Ayun, kawanggawa ang pinantapat nila sa big event na Tamang Panahon ng Eat Bulaga ngayon.

Alonzo walang kahiya-hiya

Hyper na hyper si Alonzo Muhlach nang humarap sa entertainment press bilang kauna-unahang endorser ng Bossing Hotdog ng Frabelle. At sumayaw at kumanta pa siya. As in walang kahiya-hiya kahapon.

Kaya naman mabilis ang arangkada ng career ni Alonzo. Pang-apat na niyang endorsement ang Bossing Hotdog.

Identified ang Bossing kay Vic Sotto, pero bakit si Alonzo ang endorser? Ang explanation ng marketing head ng Frabelle ay pagdating sa pagkain ang bata ang mga bossing.

Samantala, sinabi ng ama ni Alonzo na si Nino Muhlach na hindi niya ginagalaw ang kita ng anak.

Gusto raw niyang tularan ang kanyang tatay na maayos na na-handle ang kanyang mga pera noon kaya naman hanggang ngayon ay pinakikinabangan niya ito.  Say ng dating child wonder, sana man lang daw ay magawa niya kahit kalahati lang kay Alonzo.

At kahit tambak na ang trabaho ni Alonzo, hindi nito gini-give up ang pag-aaral. In fact, first honor pa raw si Alonzo sa first quarter sa La Salle-Greenhills.

Show comments