Tuloy ang pagpu-push sa loveteam nina Yassi Pressman at Andre Paras na parehong nasa pangangalaga ng Viva tulad ng magka-loveteam na James Reid at Nadine Lustre.
Kung malayo na ang narating ng tambalan nina James at Nadine, ganundin ang inaasahan ng Viva para sa tambalan nina Andre at Yassi na mapapanood sa horror-comedy movie na Wang Fam na tinatampukan din nina Pokwang, Benjie Paras, Alonzo Muhlach at iba pa muna sa direksiyon ng box office director na si Wenn Deramas. Ito’y nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa November 18.
Si Andre ay may network contract with GMA at libre naman si Yassi. Kung kami ang GMA, ite-take advantage na namin na kontratahin ang dalawa at sakyan na rin nila ang ginagawang pagbi-build-up ng Viva Films at Viva Artists Agency sa dalawa.
Sina James at Nadine ay kinontrata na ng ABS-CBN at isa sa mga top-rating shows ang On the Wings of Love na pinagbibidahan at pinagtatambalan nila.
Kung wala sanang TV network contract sa GMA si Andre, tiyak na kukunin ito ng Kapamilya Network along with Yassi na isa ring star potential.
Samantala, excited ang bagong Child Wonder na si Alonzo sa kanyang bagong movie dahil nag-enjoy siya nang husto at na/ging instant friends niya ang cast lalung-lalo na si Andre na kanyang kuya sa nasabing pelikula.
Bukod sa Wang Fam, kasama rin si Alonzo sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie nina Vice Ganda at Coco Martin, ang Beauty and the Bestie na pinamamahalaan din ni Wenn Deramas.
Inihahanda na rin ng Viva Films ang solo launching movie ni Alonzo na malamang early next year na masimulan.
John Lloyd may sabit pa rin, ‘di pa sure sa MMFF
Nakalulungkot naman ang balitang nakarating sa amin na magpu-pull out na ang isa sa walong official entries ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang historical biopic na Hermano Pule na pagbibidahan sana ni Aljur Abrenica at ididirek ni Gil Portes. At kapag ito’y natuloy mapu-forfeit ang P750,000 na naka-post na bond ng producer.
Inaasahan namang papasok ang pelikulang Honor Thy Father ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Erik Matti at pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz. Ito’y isinali sa Toronto International Film Festival last September kaya magkakaroon ng technical problem kung saka-sakali unless matutulad ito sa Thy Womb ni Nora Aunor na umikot na sa iba’t ibang international film festivals bago ito napasama sa MMFF a couple of years ago.