Proud na proud si Jed Madela kay Rachelle Ann Go dahil sa pagkakasama ng singer-actress sa West End show na Les Miserablés. Ayon kay Jed ay nagpa-reserve na rin siya ng ticket upang mapanood ang kaibigan sa nasabing musical. “Nagpa-reserve na kami ng tickets for Les Miserables. I was actually texting her nga kasi pareho kaming nagpapatayo ng bahay ngayon. So we keep in touch and I mentioned Les Miserablés. Sabi ko, ‘How are you doing?’ Sabi niya she has finally found her niche in the industry,” kwento ni Jed.
Maging ang iba pang kaibigang singers ay nami-miss na rin daw ang pagbabalik ni Rachelle Ann sa bansa. “It was such a surprise for all of us na bigla mo na lang iwan ang career mo and suddenly became big in West End. And for you to come home is something that we all look forward to,” dagdag ni Jed.
Samantala, hindi raw nangangarap si Jed na magkaroon ng international career katulad ni Rachelle Ann. Tumutulong na lamang si Jed sa mga kabataang nangangarap ding makasali at manalo sa World Championship of the Performing Arts o WCOPA. Matatandaang nag-champion din si Jed sa nasabing kumpetisyon sampung taon na ang nakalilipas. “I’m more comfortable here. Not just for myself but for other new artists. ‘Yun ang pinaka-goal ko ngayon eh, to give back. To help these new artists realize their dream kahit paano kasi it’s really hard. I’ve been in their shoes. I’ve been in a difficult position na walang sumusuporta, walang opportunities. I can be an instrument for them to get to realize their dreams. So through WCOPA, I’m a mentor and I’m a talent scout now and every year, we try to encourage kids and young ones, young artists to come out and just show the world their talent,” nakangiting pahayag ni Jed.
Kathryn apektado sa kuwento ng Pangako…
Lalong tumitindi ang mga eksena sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Para kay Kathryn ay kaabang-abang na lalo ang bawat tagpo ngayon sa kanilang soap opera. “Marami, sobrang dami. Pati kami sobrang apektado kapag binabasa ‘yung script. Kasi ang ganda ng pagkakasulat sa lahat so maraming aabangan,” bungad ni Kathryn.
Samantala, nakapagparehistro na rin ang aktres upang makaboto para sa nalalapit na eleksyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaboboto si Kathryn sa isang halalan. “Of course tayong mga kabataan malaking parte sa eleksyon and huwag nating sayangin ang boto natin and i-take ‘yung chance na ‘to para maiboto talaga kung sino ang karapat-dapat sa positions,” paliwanag ng dalaga.