Janno Gibbs sa Showtime: Phenomenon ang 'Aldub' mahirap matapatan
MANILA, Philippines – May mensahe si Kapatid star Janno Gibbs sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” tungkol sa pagputok ng tambalang Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ng “Eat Bulaga.”
Sinabi ni Janno sa kaniyang Instagram account na sadyang malakas ang tambalang “AlDub” kaya naman hindi dapat makipaggitgitan ang It’s Showtime upang hindi mapag-iwanan sa ratings.
“Pwede ba mag-comment? Im a tv fan as well...Tv addict actually. I watch these shows daily. Like everyone else I’m a big fan of Kalyeserye! Aldub n Lola Nidora the best!” papuri ng dating Kapuso star sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nina Alden, Maine at Wally Bayola bilang Lola Nidora.
“For a time I was sad when I’d switch to Showtime ‘pag commercials ng Bulaga. Halata mong hindi nila alam ang gagawin. "But lately unti-unti bumabalik ang sigla ng show. Ganyan lang Showtime! Just enjoy what you’re doing! Ganun talaga, phenomenon ang Aldub, mahirap tapatan ‘yun," dagdag niya.
Isa ring host ng TV5 noontime show si Janno ng “Happy Truck ng Bayan” at alam niyang malayo ang kanilang agwat sa katapat na “ASAP” at “Sunday Pinasaya.”
“Every Sunday our show Happy Truck ng Bayan is obviously a 3rd choice against Asap and Pinasaya. But we just enjoy the show and do our own thing. No pressure..no hate,” panapos ng batikang aktor at singer.
Bumulusok ang ratings ng Eat Bulaga dahil sa split-screen love team nina Alden at Maine, kung saan napag-iwanan ang It’s Showtime.
Nakahanap naman ng panapat ang Kapamilya show sa pamamagitan ni Angelica Yap na sumikat bilang si “Pastillas Girl.”
- Latest