Nahihiya sa mga binagyo Charo Santos ayaw ipagyabang ang birthday

Sharon naka-wheelchair nang kumanta sa birthday ni Charo; Alden nagbago na ng CP number, pinuputakti ng mga manloloko

SEEN: Ang pakiusap ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio na huwag nang ilagay sa social media ang mga litrato ng kanyang 60th birthday celebration sa EDSA Shangri-La Hotel noong Martes ng gabi dahil nahihiya siya sa mga nasalanta ng Typhoon Lando.

SCENE: Nakasakay sa wheelchair si Sharon Cuneta nang mag-perform siya sa birthday party ni Charo Santos-Concio dahil sa sprain sa kanyang paa. Hinangaan si Sharon sa kanyang professionalism.

SEEN: Ang biro ng direktor na si Joey Reyes na kuwento ng kanyang buhay ang No Boyfriend Since Birth. Si Joey ang direktor ng No Boyfriend Since Birth.

SCENE: Nagpalit na si Alden Richards ng cellphone number dahil sa mga crank call at text na natatanggap niya.

SEEN: Wala pa sa plano ni Mike Tan na pakasalan ang kanyang non-showbiz girlfriend. Ten years na ang relasyon ni Mike at ng nobya niya.

SCENE: Parehong napapanood sina Boots Anson-Rodrigo at Ces Quesada sa Princess in the Palace ng GMA 7 at Walang Iwanan ng ABS-CBN.

SEEN: Sold out na ang tickets para sa Tamang Panahon show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena sa October 24. Naghahanap na rin ng tickets ang mga host ng Eat Bulaga para sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan na gustong manood.

Show comments