JM dedma sa pagpatay sa kanya

JM

MANILA, Philippines - Grabe pinatay si JM de Guzman kahapon sa social media. Buti na lang at maagap ang isang fan at direktang tinanong si JM sa Instagram kung totoo ba ‘yun.

Mabilis namang sumagot si JM at ipinost sa kanyang Instagram account ang headline sa isang online site – Breaking News : Actor na si JM de Guzman natagpuang patay sa Taytay.

Ang sagot lang ni JM “what to believe?”

Poor JM, pinatay na walang kamalay-malay.

Obviously, nasa taping siya dahil after that post may solo photo sa IG account niya at ang caption ay “tunganga.”

Sa mga unang nakakita sa pekeng balita ay naniwala dahil nga sa mga bali-balitang may pinagdaraanan siya at sinasabing matsutsugi na raw sa kanyang seryeng pinagbibidahan sa ABS-CBN dahil nga bumalik na raw sa kanyang dating bisyo.

Matteo ayaw ‘ibenta’ si Sarah sa kanyang concert

May solo concert na rin si Matteo Guidicelli. Yup, after his concert with Daniel Matsunaga and JC de Vera na Dream­boys, ayun at magso-solo na si Matteo. Pinamagatang MG1, magaganap ang concert sa November 28, 2015, 8:00 p.m. sa Music Museum. Magiging guest niya si Morisette ng The Voice First Season at ang Concert King Martin Nievera.

Matagal na actually na sinasabi ni Matteo na passion niya talaga ang kumanta bukod sa pagiging triathlete and actor.

Kino-consider din niya ang singing na something he loves to do outside his comfort zone. “It’s like participating in an extreme sport, exciting and nerve-wracking yet fulfilling,” sabi ni Matteo.

Bukod sa pinaghahandaang concert, abala siya sa shooting ng indie movie na Tupang Ligaw at seryeng Single Single na napapanood every Saturday night sa Cinema One. Meron na rin siyang self titled album under Star Records.

Aminado si Matteo na kinakabahan siya sa MG1 concert pero nag-pramis siya na ibibigay niya lahat sa first ever solo concert niya na kasama sa kanyang bucket list. Ballad songs and medleys ang kasama sa kanyang repertoire plus pasabog na production numbers with special guests ayon kay Matteo. Pero wala siyang binanggit kung sino ang special guest niya.

Hindi naman si­guro kasama ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa mga guest niya dahil may sariling concert si Sarah sa December 4, SG From The Top, sa Araneta Coliseum.

Kung sabagay sinabi naman ni Matteo na pinag-usapan na nila ni Sarah na ihiwalay ang trabaho sa kanilang relasyon.

 “I really want to keep Sarah and I, especially in work, very, very separate because ang daming intriga, ang daming bashers, ang daming negative comments. I want to climb my ladder by myself. She’s my girlfriend, yes, but she’s not my partner in work. I want to work alone. She’s my inspiration in work but we want to keep it separate talaga,” sabi ni Matteo kahapon sa presscon para sa nasabing concert.

Umiiwas din siyang akusahang manggagamit lalo na nga’t sinasabing si Sarah na ang concert queen ng bagong generation.

“I’m still starting in the music industry. First album ko pa lang ito. First concert ko pa lang ito. I want do it on my own. I really don’t want people to think I’m using her or just following her. This is my dream since the beginning, noong hindi pa kami. So I want to do it my own way,” esplika pa niya.

Anyway, tickets for MG1 are available in Ticketworld outlets or call 891.9999.

Direk Wenn first time sa horror-comedy

Sa November 18 na pala ang showing ng pelikulang Wang Fam na pinagbibidahan nina Pokwang, Wendell Ramos, and Benjie Paras at magsisilbing launching project ng loveteam nina Andre Paras and Yassi Pressman sa direksyon ni Wenn Deramas.

Kaya malamang na next year na raw ipalabas ang launching solo movie ng magka-loveteam na Girlfriend for Hire.

At ayon sa isang taga-Viva, first ever horror-comedy masterpiece ni Direk Wenn ang Wang Fam.

Sanay kasi tayo na solid na comedy ang ginagawa ni Direk Wenn tulad ng mga pelikula ni Vice Ganda.                                   

Show comments