MANILA, Philippines – Sobrang nag-enjoy talaga ang Hollywood na si Vin Diesel nang bumisita siya sa Pilipinas, kaya naman mula noon ay nais niyang bumawi sa kaniyang mga Pinoy fans.
Sa eksklusibong panayam ni STAR entertainment editor Ricky Lo kay Vin, sinabi ng Fast and the Furious star na nais niyang mag-shoot ng kaniyang pelikula sa Pilipinas.
“I want to try to capture it in film. I want to try to immortalize it in film,” wika niya.
“We just hired a director for ‘XXX,’ and we’re literally scouting Philippines as we speak. So it’s really happening.”
Taong 2013 nang pumunta ng bansa si Vin para sa premiere ng Fast and the Furious 6.
Ilan sa mga ikinatuwa ni Vin sa bansa ay ang pagsakay ng Jeep at ang nakuhang regalong boxing gloves na may pirma ni eight-division champion Manny Pacquiao.
Ipapalabas sa big screen ang panibagong pelikula ni Vin Diesel na “The Last Witch Hunter” ngayong Oktubre.