Aktor gulat na gulat, Janice at asawa ni John na si Priscilla, nagkasundo dahil sa trabaho
Walang mag-aakala na magsasama sa isang TV project ang dalawang babae na may kaugnayan sa actor na si John Estrada, ang kanyang ex-wife at ina ng kanyang apat na anak na si Janice de Belen at si Priscilla Meirelles, ang kanyang current wife at ina ng kanyang bunsong anak na babae.
Sina Janice at Prisicilla ay magkasama sa teleseryeng Be My Lady na pinagbibidahan ng real sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.
At first, nagulat pare-pareho sina Janice, John, at Priscilla pero since okey na silang tatlo at in good terms na, naging posible ang pagsasama ng dalawa sa isang TV project.
Kahit si John ay willing ding makatrabaho ang dating misis na si Janice.
Mahabang panahon din ang ipinaghintay bago naging magkaibigan uli ang estranged couple, pero natutuwa si John na okey na sila ni Janice. Very close rin ang apat na anak nila ni Janice kay Priscilla at sa kanilang anak na babae na si Samantha Anechka.
Hindi man maging close na magkaibigan sina Janice at Priscilla, at least civil sila sa isa’t isa at pareho silang professional pagdating sa kanilang trabaho.
Tamang Panahon ubusan na ng tickets
Although may ilang araw pa bago mag-Sabado, ay nagkakaubusan na umano ng tickets lalo na ang VIP seats para sa grand fans day ng AlDub na gaganapin sa 55-thousand seater na Philippine Arena. Isa lamang itong patunay na phenomenal talaga ang init ngayon ng tambalan nina Alden Richards at Maine `Yaya Dub’ Mendoza at walang makakapigil sa AlDub Nation na dumayo at dumagsa gaano man kalayo ang Philippine Arena.
Chavit all out sa kampanya ni Pacman kahit kontra sa pagkandidato ng boxing champion
Kung ang dating Vigan governor na si Luis `Chavit’ Singson lamang ang masusunod, ayaw niyang tumakbo sa pagka-senador ang kanyang matalik na kaibigang si Rep. Manny Pacquiao dahil mas gusto niyang mag-focus muna ito sa kanyang boxing career na may ilang taon pa ang puwedeng itagal.
“Politics can wait,” ani former Gov. Chavit Singson.
Ayon sa businessman-politician, hati umano ang focus at attention ng Pambansang Kamao kaya hindi ito gaanong makapag-concentrate sa kanyang training at laban.
Ganunpaman, suportado pa rin ni Chavit ang political bid ng kaibigan kaya niya ito sinamahan nang ito’y mag-file ng kanyang Cerfificate of Candidacy sa Comelec last Friday. Kararating lamang galing New York, USA ni People’s Champ para muling tumanggap ng parangal.
Si Chavit Singson ang tumatayong business mentor ni Pacman kaya meron itong mga tumatakbong negosyo ngayon na ang iba ay magkasosyo sila. Lumulutang din ang balita na magkasosyo umano sina Chavit at Rep. Manny sa pagbili ng major share ng GMA, bagay na ayaw namang kumpirmahin ng main man ng Vigan, Ilocos Sur.
Sa rami ng mga tumatakbong negosyo ngayon ni Chavit, gusto nitong i-revive ang kanyang film outfit para makapag-produce ng mga makabuluhang pelikula at makatulong sa mga tao sa industriya na na-displace nang humina ang movie industry since 1997.
Binubuo na rin ni Chavit ang kanyang one-season episode na Happy Life, isang travel at public service show na inaasahang magsisimulang umere sa susunod na buwan sa GMA News TV, ganap na ika-10 ng gabi. Ito’y produced ng White Lion Production na pag-aari rin ni Gov. Chavit.
- Latest