Ang Probinsyano humataw na sa 42.9%

MANILA, Philippines - Humataw muli sa ratings ang hit serye na Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin noong Huwebes (Oct 15). Nagtala ng bago nitong all-time high national TV rating na 42.9% ang Kapamilya primetime serye ayon sa datos ng Kantar Media.  Ito ay patunay sa mas tumitinding suporta ng mga manonood sa karakter ni Coco Martin at iba pang bida ng palabas. Abangan ang kapana-panabik na kaganapan sa top-rating teleserye sa primetime, ang  Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.

 

 

Show comments