Nagti-taping na uli ang aktres na nag-walkout nang sitahin ng may-ari ng bahay dahil sa ginawa sa kanyang kamag-anak na tatakbo sa isang mataas na posisyon ng bansa. Hindi napigilan ng owner ng bahay na sitahin ang aktres dahil concerned ito sa nasirang relasyon ng aktres sa kanyang relatives.
In fairness sa aktres, sa halip na sagutin ang may-ari ng bahay nang awayin at pangaralan siya, mas pinili na lang nitong mag-walkout sa taping. Kaya lang, ang production ang naapektuhan dahil na-pack up ang taping sa paglayas niya sa set.
Ang magandang balita, nagti-taping na uli ang aktres sa bahay na sa story ng soap ay pinalalabas na bahay niya. Para maiwasan na lang na mag-krus uli ang landas nila ng owner ng bahay, hindi na lang siya nilalabas nito.
Uneasy tiyak ang aktres, pero hindi niya puwedeng i-request sa production na mag-iba sila ng location dahil masisira ang continuity ng story. Pero tama ba ang narinig naming inggit ang rason sa pag-iingay ng aktres?
Enrique at Liza consistent sa pag-amin na may MU na
Tinanong si Enrique Gil ng press people na nag-interview sa kanya sa His & Her Holiday Campaign ng Bench at Kashieca kung pabor ang mother niya na maging girlfriend niya ang ka-love team na si Liza Soberano.
“My mom is here, she wouldn’t be here if she doesn’t like Liza,” sagot ni Enrique. Nabanggit nito na first time manood ang mom niya sa kanya at kahit pala sa TV, hindi siya pinapanood nito. Pero kahapon ay dumating ang mom niya para na rin siguro makilala ng personal si Liza.
Sa tanong pa rin kung may Mutual Understanding o MU na sila. Pareho ng sagot sina Enrique at Liza na “always mutual” ang relasyon nila. One hundred percent din ang suporta ni Liza sa ka-love team nang hingan ng comment sa “airplane” controversy. Alam daw niya ang totoong nangyari dahil magkatabi sila ni Enrique.
Mukha namang naka-move on na si Enrique sa controversy at alam niya, tapos at ayos na ang lahat nang magkausap sila ni Jessy Mendiola sa London. Wala rin daw silang problema ni Luis Manzano at para sa kanya, everything is okay.
Ano ang lesson na natutunan niya sa nangyari?
“When you’re with people. Be responsible with your action and don’t let people take advantage of you, lalo na at different stories ang lumalabas at wala ka nang magagawa pa.”
Snooky ipinagdaramot ang love life
Gustong makilala ng press people ang boyfriend ni Snooky Serna. Kaya lang, hindi na nito sinagot ang mga tanong tungkol sa lalaking nagbibigay ng inspirasyon at pagmamahal sa kanya.
Masaya si Snooky ngayon dahil sa love life at maganda ang takbo ng kanyang career. After ng box-office hit na Felix Manalo, gagawin nito ang indie film na Nuclear Family under BG International Productions ni Baby Go at sa direction ni Jason Paul Laxamana.
Ready na si Snooky sa medyo daring role niya rito na mai-involve sa younger men at may kissing scenes pa.
Aminado rin si Snooky na dahil sa My Faithful Husband, na-rediscover siya sa showbiz at ng fans at nakitang kaya pala niyang magkontrabida.
Larawan ng COC kumalat Cesar sasabak uli sa pulitika?!
May nabasa kaming tatakbo si Cesar Montano sa ilalim ng Aangat Tayo Partylist. Na-post pa ang COC o Certificate of Candidacy.
Totoo kaya ito at si Cesar ba talaga ‘yun o kapangalan lang niya? Sa screening ng trailer ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Maria Ozawa na Nilalang, nabanggit ni Cesar na hindi siya kakandidato sa 2016 elections kahit may mga kumukumbinse sa kanyang tumakbo. But he’s not closing his doors na pumasok uli sa politics.
Abangan natin kung anong sasabihin ni Cesar tungkol dito.