Si Kris Aquino pa ngayon ang ayaw pag-usapan si Mayor Herbert Bautista gayong siya ang naglaglag dito kaya ‘di natuloy sa kanilang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie. Malakas na sampal ‘yun sa ama ng isang malaking lungsod na bago sana nila isinama sa movie ay sinigurong hindi nila ito papalitan.
Sana nga ay maging matagumpay ang movie niya na sa simula pa lamang ay nati-threaten na ng unang pagtatambal nina Alden Richards at Maine Mendoza na siyang sinasabing magdadala ng movie at magiging suporta lamang sina Vic Sotto at AiAi delas Alas sa My Bebe Love.
Cesar tama ang desisyong ‘wag mag-pulitika
Tama lang na huwag nang magpulitika si Cesar Montano at asikasuhin na lamang ang kanyang pag-aartista. Anumang problema meron siya sa personal na buhay ay hindi naman apektado ang kanyang karera.
Gusto ba niyang madagdag pa ito sa mga ipinipintas sa kanya? Kaya sa halip na mamangka sa dalawang ilog at maging artista at pulitiko ng magkasabay ay pumili na lamang siya ng isa at dun magpakadalubhasa.
Mabuti naman at mas pinili niya ang kanyang karera sa showbiz. Dito, wala siyang talo.
It’s Showtime kailangan ng mas bonggang Pastillas
Balik na naman sa zero ang kalabang programa ng Eat Bulaga matapos wakasan ang episode ng paghahanap ni Angelica Yap aka Pastillas Girl kay Mr. Pastillas. For a while ay nakaapekto rin naman siguro sila sa Eat Bulaga, pero napakaikling sandali lamang.
Mabilis din itong nawala dahil hindi nagawang i-sustain ng It’s Showtime ang kanilang sinimulang dating game. Pahiram nga Vero (Samio) ng tsk, tsk, tsk.