Broadway producer na si Shea Arender namangha kay KC, hinahabol si Yaya Dub!

MANILA, Philippines - Nasa bansa ang American singer and Broadway producer na si Shea Arender.

Since July 2013, siya ang executive producer ng The Wonderful Wizard of Song musical on Broadway at sa buong Amerika at siya rin ang executive producer and starring sa kanyang own off-broadway musical na Shea : Prince of Christmas na consistent sa Top 5 Holiday shows in Broadway.

Pero ngayon ay gusto niyang sumubok sa bansa. Bago dumating ng Pilipinas, nanggaling siya ng Macau kung saan nag-shoot si Shea para sa corporate promotion material na gagamitin sa kanyang mga gig next year sa Las Vegas.

At gusto niyang sulitin ang pagbisita sa bansa kaya nagpaplano rin daw siya at ang kanyang agent na tumanggap ng Valentine show here in Manila.

Gusto rin niyang madiskubre ang magagandang lugar sa bansa at makilala si Yaya Dub na pinanood niya ang mga dubsmash sa YouTube dahil na rin sa mga kaibigan niyang Pinoy. Pero smitten din siya kina KC Concepion at ang beauty queen na si MJ Lastimosa.

Kahapon ay nakipagtsikahan siya sa entertainment press at in all fairness, makuwento siya.

Say niya, gusto niyang maranasan ang mahabang selebrasyon ng Pasko sa ‘Pinas.

Dahil fan na fan siya ni Yaya Dub ‘wag tayong magulat kung maggi-guest siya sa Eat Bulaga.

Si Shea ang nabalitang Broadway producer na interesadong kunin si Yaya Dub na magbida sa isang comedy musical show doon. “I was looking for a new actress for my new comedy musical, I came across this beautiful and talented Filipina actress Maine Mendoza aka Yaya Dub on YouTube.”

Pelikula ni Dennis lalarga hanggang U.S.

Marami pa rin palang nanonood ng pelikulang Felix Manalo.

Nang mapadaan ako sa isang mall kahapon, puno pa ang sinehan na pinag­lalabasan nito. More than two weeks na itong palabas pero parang ang dami pa ring nanonood.

Kung sabagay, tatlong oras kasi ang running time ng pelikula kaya kung halimbawa walong beses sa isang araw ipinalalabas ang isang pelikula, minus 3 screenings ang Manalo.

Anyway, nakita ko sa Instagram post ng Viva Films na after Hong Kong, magkakaroon din ng screenings sa U.S. ang pelikula ni Dennis Trillo.

Mr. Pastillas sa Cebu nahanap

Walang nakapigil sa mga Cebuano sa thanksgiving show ng It’s Showtime na Kapamilya, Thank You! Biyaheng Cebu na ginanap noong Sabado (Oct. 17) sa Hoops Dome, Lapu-Lapu City. 

Naramdaman ng mga host ng programa na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Na­varro, Billy Crawford, Jhong Hilario, Karylle, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang at Eruption ang mainit na pagtanggap at pagmamahal ng mga taga Cebu sa rami ng tao at lakas ng hiyawan sa Hoops Dome. 

Sabay sa mainit na pag-welcome ng madlang people ay ang kilig sa pagbisita nina Enrique Gil at Liza Soberano kasama si Gerald Anderson na bida ng pinakabagong movie ng Star Cinema, ang Everyday I Love You. 

Nagpakilig din sa mga manonood ang pagpili ni Pastillas Girl kay Richard Parajinog ng Ozamis bilang kanyang Mr. Pastillas sa Nasaan Ka Mr. Pastillas? 

Itinanghal naman na kampeon ang Team Diyosa na kinabibilangan nina Manuel Chua, Kiray, at Aira Bermudez na nagpakitang gilas sa paglip-sync gamit ang konseptong Proud to be Me at nagkamit ng P200,000 sa championship ng Lip Swak Olympics.  

Hindi rin nagpahuli sa pagpapasikat ang Pinoy rap icon na si Andrew E. kasama si Abra na kinanta ang kanilang hits na Humanap ka ng Panget at Gayuma. 

Sumama rin sa kasiyahan ang komikeros from Cebu na Crazy Duo at nakipagsabayan sa kulitan nina Jhong Hilario, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta. 

Ala-siyete pa lang ng umaga ay dagsa na ang mga tao sa labas ng venue, ayon sa report ng TV Patrol. Ang ilan nga sa mga Kapamilyang dumalo ay nanggaling pa sa malalayong lugar ngunit tiniis nila ang pabago-bagong panahon masilayan lang ang kanilang mga iniidolong artista. 

Nag-umpisa na kahapon ang inaabangang Magpasikat  week. 

                                                                                                 

 

Show comments